'Like father, like son!' Showbiz daddies at ang sikat nilang mga anak

'Like father, like son!' Showbiz daddies at ang sikat nilang mga anak

- Sa 'Father's Day' ay ating tingnan ang mga showbiz daddies at ang sikat nilang mga anak sa listahan na naispatan namin sa 'ABS-CBN News.'

- Kaya nga 'Like father, like son,' ito yung mga sikat na artista noon at ngayon, na may sikat na mga anak ngayon.

- Ito din ay mga listahan ng mga gwapong mga tatay sa showbiz na may mga poging anak din sa industriya.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa celebrasyon ng buwan ng 'Father's Day' ay bibigyang pugay ng KAMI ang mga showbiz dads at ang sikat nilang mga anak.

Ating silipin ang top 10, in random order, sa top 20 na nailista.

10. Former Senator Ramon Revilla Sr., Senator Bong Revilla, at Jolo Revilla

Ang isa sa pinakasikat na action stars sa panahon niya, ang 'Hari ng Agimat' ng pelikulang Pilipino na si former Senator Ramong Revilla Sr., at ang kanyang napakasikat at box-office king na anak ang bagong panday na si Senator Bong Revilla, at ang ikatlo sa henerasyon ng mga Revilla na aktor na si Jolo Revilla.

9. Eddie Gutierrez at Richard Gutierrez

Ang dalawang napakagwapong tatay at anak tandem sa pinilakang tabing ay ang mag-amang Eddie at Richard Gutierrez.

Sila ay naging matinee idol sa kani-kanilang henerasyon.

8. Joseph 'Erap' Estrada at Jake Ejercito

Isa sa mga haligi ng pelikulang Filipino ay si Erap at ngayon naman ay gumagawa na din ng pangalan ang isa sa mga anak niyang lalaki na nakuha din ang kagwapohan niya na si Jake Ejercito.

7. Vic Sotto at Oyo Boy Sotto

Sino ba ang hindi nakakakilala sa mag-amang ito na pareha naman nating nakita sa iilang blockbuster na mga pelikula at telebisyon.

Ang dalawa sa mga sikat na miyembro ng dabarkads ng 'Eat Bulaga.'

6. Gary Valenciano at Gab at Paolo Valenciano

Ang pure energy na may mga total performer din na mga anak na sina Gab at Paolo Valenciano.

5. Edu Manzano at Luis Manzano

Ang anak ng 'Star for all Seasons' na si Luis Manzano at ang award-winning na amang' aktor na si Edu Manzano.

4. Jomari Yllana at Andre Yllana

Ang anak ng 'Bagani' star na si Aiko Melendez na si Andre Yllana at ang ama nito na isa sa mga'Gwaping's na si Jomari Yllana.

3. Piolo Pascual at Iñigo Pascual

Ang 'Ultimate Leading Man' at Kapamilya hunk na si Papa P, Piolo Pascual at kanyang sikat na talentado at gwapitong anak na si Iñigo.

2. Rommel Padilla at Daniel Padilla

Ang isa sa mga anak na lalaki ni Queen Mother momshie Karla Estrada na si Daniel Padilla at ang action sta na ama na kapatid ni Robin Padilla na si Rommel Padilla.

Ngayon si Daniel lang naman ang isa sa pinakasikat na heartthrobs ng bansa.

POPULAR: Read more news about Karla Estrada here

POPULAR: Read more news about Robin Padilla here

1. Zoren Legaspi at Maverick Legaspi

Ang bagong crush ng mga kakabaihan ngayon ang anak ni Carmina Villaroel na si Maverick Legaspi at ang daddy nya na si Zoren Legaspi.

Dahil pinag-uusapan natin ang mga mister ngayon, nagkaroon ng isang social experiment ang aming grupo upang malaman kung may Pinoy ba na tutulong sa isang mister sa paglinla og pangangaliwa sa kanyang asawa.

Tingnan sa baba ang resulta ng nasabing eksperimento

More HumanMeter videos on YouTube here

Source: Kami.com.ph

Related news
Say cheese! 6 Cutiepies ng mga sikat na nakakagigil ang happy smile

Say cheese! 6 Cutiepies ng mga sikat na nakakagigil ang happy smile

Say cheese! 6 Cutiepies ng mga sikat na nakakagigil ang happy smile
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel