Namiss niyo ba ang tawa niya? Mariel Rodriguez- Padilla, balik 'It's Showtime' na!

Namiss niyo ba ang tawa niya? Mariel Rodriguez- Padilla, balik 'It's Showtime' na!

- Dalawang taon matapos siyang mamahinga sa showbiz, muling nagbabalik si Mariel Rodriguez sa It's Showtime

- Matatandaang nagbuntis siya kaya kinailangan niyang tumigil muna sa pagtatrabaho

- Naging emosyonal naman siya nang matanong tungkol sa naging karanasan niya bilang isang ina

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ikinatuwa ng mga manonood ng It's Showtime ang muling pagbabalik ni Mariel Rodriguez-Padilla. Ito ay matapos ang dalawang taong pamamahinga sa showbiz.

Isang blooming at walang bakas na nanganak na Mariel ang nakitang muli ng madlang people.

Isang mainit na pagtanggap mula sa kanyang mga co-hosts na sina Vhong Navarro, Jhong Hilario, Jugs Jugueta, Amy Perez, Karylle, Teddy Corpuz, Anne Curtis at Vice Ganda ang sumalubong sa asawa ni Robin Padilla.

"Grabe sobra ko kayong na-miss. Nakakaiyak pero pinipigilan ko. Miss ko kayo, grabe all of you," saad niya.

"Na-miss ko talaga kayo, lahat kayong nandito, sa mga nasa tahanan nila. Na-miss ko kayong lahat it feels good to be back. It feels good to have a home to come back to," dagdag pa niya.

Matatandaang nag leave ang aktres noong June 2016 noong ipinagbubuntis niya ang anak na si Isabella.

Nanganak siya noong November 14, 2016 sa US.

"It has been the best experience of my life. Really ang sarap. Ngayon, sabi ko nga, iba kapag nakakakita ako ng moms ngayon," kwento niya sa kanyang mga co-hosts.

Nakatanggap din siya ng pagbati mula sa kanyang asawang si Robin Padilla at matalik na kaibigang si Toni Gonzaga sa kanyang muling pagbabalik.

"Thank you, Toni for the message. To my husband, maraming maraming salamat and Happy Father's Day. Sabi ko nga 'di ko magagawa ang ginagawa ko kung hindi niya ako sinusuportahan," Dagdag ng It's Showtime host.

How Much Money Do You Need to Be Happy? | on HumanMeter

Money: a whim or necessity? How much money do you need every month to be happy? Does the environment affect the amount you need? Find out more about the respondents' answers in this video.

Source: Kami.com.ph

Related news
Baby bump? Marian Rivera and Dingdong's mom spotted holding her bulging tummy

Baby bump? Marian Rivera and Dingdong's mom spotted holding her bulging tummy

Baby bump? Marian Rivera and Dingdong's mom spotted holding her bulging tummy
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel