Pinagkakaguluhan ang video nina Toni Gonzaga, baby Seve, at Derek Paul Soriano

Pinagkakaguluhan ang video nina Toni Gonzaga, baby Seve, at Derek Paul Soriano

- Isang araw pa lang ang nakakaraan sa pagpost ng 'Ultimate Multimedia Superstar' ng kanyang 'Father's Day' greeting sa mister na si Derek Paul Soriano sa Instagram ay tumabo na ito ng mahigit kalahating milyon ng likes.

- Sa araw nga ng mga ama ay nagpost si Toni Gonzaga ng piling-pili at napakapersonal na video ng kanyang maliit pero masaya at magandang pamilya para sa kanyang milyon-milyong tagahaganga at tagasubaysubay.

- Nabighani ang lahat pati ang mga kapwa celebrities nila dahil sa napakasimple na pamumuhay at hindi makakaila na masaya at kontento na pamilya ng Gonzaga-Soriano family.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Unang nasilip namin ang nasabing video sa website na 'Watta News,' at talaga naman mapapamangha ka sa paghahanga sa pamilya nina Toni Gonzaga, Paul Soriano, at baby Seve.

Kahit na nasa ibang bansa ngayon ang ama ng tahanan na si Paul Soriano dahil sa trabaho sa Vancouver, Canada para sa isang malaking pelikula na pinagsasamahan ng matalik na kaibigan ni Toni Gonzaga na si Bea Alonzo at ang ninong ng kanilang kasal na si Aga Muhlach ay hindi kinaligtaan ng ilaw ng tahanan na bigyang pugay ang asawa.

Kung gaano tayo na-inlove sa napakagandang ehemplo ng lovestory ng dalawa ay ganun din tayo pinaibig nila sa pamilyang binuo nila kasama ang kanilang napakasikat din na anak na si baby Seve.

Napa-wow din ang KAMI sa pagmamahalan na namamagitang sa mag-anak, sa mag-asawa, at lalo na sa mag-ama lalo na ngayong 'Father's Day.'

Tingnan ang nasabing video na humakot ng mahigit kalahating milyon na sa baba

Walang ibang sinabi ang mommy ni Paul na si Ms. Marissa Soriano kung hindi:

"Pure Love"

Si Joey Mead King naman ay nag-iwan ng isang napakalaking puso sa comment box ng video.

At si Clarence Delgado naman, ang nakakabatang kapatid ni Toni Gonzaga sa 'Home Sweetie Home' ang naggreet din kay Direk Paul.

Sa ika-walong anibersaryo ng pagiging girlfriend at boyfriend ay napgakasala sina Toni Gonzaga at Paul Soriano noong June 12, 2015 at pagkatapos ng ilang buwan ng kanilang kasal ay nabibiyaan sila ng regalo mula sa panginoon at pinanganak na nga ng 'Romantic-Comedy Queen' si Severiano Elliott noong September 30, 2016 at 5:23 a.m.

Dahil pinag-uusapan natin ang mga mister at mga tatay ngayon, nagkaroon ng isang social experiment ang aming grupo upang malaman kung may Pinoy ba na tutulong sa isang mister sa paglinla og pangangaliwa sa kanyang asawa.

Tingnan sa baba ang resulta ng nasabing eksperimento

More HumanMeter videos on YouTube here

Source: Kami.com.ph

Related news
Hashtag no excuses! Manny Pacquiao at Floyd Mayweather nagpang-abot sa Tokyo

Hashtag no excuses! Manny Pacquiao at Floyd Mayweather nagpang-abot sa Tokyo

Hashtag no excuses! Manny Pacquiao at Floyd Mayweather nagpang-abot sa Tokyo
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel