Nagbigay suporta si Benjie Paras sa pagkakasundo ng kanyang mga anak at Jackie Forster

Nagbigay suporta si Benjie Paras sa pagkakasundo ng kanyang mga anak at Jackie Forster

- Sa balita galing sa 'Push' website nagbigay naman daw ng suporta ang dating basketbolista na si Benjie Paras sa pagkakasundo ng kanyang dalawang anak na lalaki sa kanilang ina.

- Kamakailan nga ay isang larawan ang shinare ni Jackie Forster sa kanyang Instagram account kasama sina Kobe at Andre ang anak niya sa unang asawa na si Benjie Paras.

- Hindi masyadong okay sila noong una pero ngayon ay masaya na ang both families at okay na silang lahat at ito nama'y suportado ng ama.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ayon nga sa balita ng nakuha ng KAMI, ang dating manlalaro ng PBA na ngayon ay makikita sa 'Bagani' sa Kapamilya ay nagbigay pahayag tungkol sa reconciliation o pagkakasundo ng dalawang anak at ang unang asawa niya.

Kamakailan nga ay umingay ang media outlets dahil sa pagkakasundo nina Kobe at Andre sa kanilang ina, ang dating aktres na si Jackie Forster, pagkatapos ng ilang taon na pagkakahiwalay at di pagkaunawaan.

Sa isang panayam ng 'ABS-CBN News' sinabi umano ni Benjie Paras na susuportahan daw niya ang kanyang mga anak at magiging masaya sa kanila.

"Sa kanila naman nanggaling eh so kung ano man ang desisyon nila, wala ako roon. Basta ako I will always support them and will always be happy for them."

At dagdag pa ng ama na palagi siyang susuporta sa desisyon ng kanyang mga anak sa pagdating sa kanilang karera din.

"Ang sa akin naman kasi kung saan sila masaya. When they were growing up, ang gusto nila ay maging basketball player and then nagpalit kay Andre dahil nauna ang showbiz. Pero now he is into basketball again, showbiz and basketball. He's playing now for Maharlika and then Kobe is here again in the Philippines."

Dahil pinag-uusapan natin ang mga mister ngayon, nagkaroon ng isang social experiment ang aming grupo upang malaman kung may Pinoy ba na tutulong sa isang mister sa paglinla og pangangaliwa sa kanyang asawa.

Tingnan sa baba ang resulta ng nasabing eksperimento

More HumanMeter videos on YouTube here

Source: Kami.com.ph

Related news
Best actor si kuya! Nagpaawa sa ka-chat kaya nakatangay ng P4M

Best actor si kuya! Nagpaawa sa ka-chat kaya nakatangay ng P4M

Best actor si kuya! Nagpaawa sa ka-chat kaya nakatangay ng P4M
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel