Kris Aquino, isiniwalat na merong ginawa si Bimby na Father's Day video para kay James Yap

Kris Aquino, isiniwalat na merong ginawa si Bimby na Father's Day video para kay James Yap

- Muling pumapayag si Kris Aquino na magkaayos ang anak niyang si Bimby Yap sa ama nitong si James Yap

- May isiniwalat din siyang Father's Day video na ginawa ni Bimby

- Pero may malalim na kuwento pala ang nasa likod ng nasabing video

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa kabila ng isyu na pinagdaanan nina Kris Aquino at James Yap, ay muling binubuksan ni Kris ang kanilang pintuan para kay James upang magkaayos sila ng anak niyang si Bimby Yap.

Nalaman ng KAMI na nagkaroon ng Facebook Live si Kris nitong Linggo, June 17 kasabay ng Father's Day.

Ayon sa PEP, napagdesisyunan ni Kris na hindi na siya hahadlang kung sakaling gusto na ni Bimby makipag-ayos sa ama, "When the time comes you are actually ready, please don’t ever feel na si Mama ang nagpi-prevent sa iyo. Don’t feel na I’m the one, ha? Na it’s out of loyalty for me or anything like that, because your Mama is ready.

"For your Mama, I’m OK. And for your Mama, I had to do a lot of reckoning. I had to realize that you’re lucky you have a dad alive. It’s up to him now. I hope that he will reach out. But I’m also not gonna force you to be the one to reach out, OK?"

Binahagi rin niya na merong ginawa si Bimby na Father's Day video para kay James pero alam niyang hindi pa lubusang handa ang anak para dito. Dagdag pa niya, naiyak daw si Bimby pagkatapos gawin ang video. Kaya naisip niya, na balang araw ay darating din ang tamang panahon para makipag-ayos.

"So I was asking you that if we could do something privately—a Father’s Day video that I wanted to send your dad. And I knew you did it because I asked you, because I really want peace. But I also saw how much you couldn’t handle it after.

"So it will come, okay? And that was my proudest moment because you tried. As far as Mama is concerned, the very fact you tried is more than enough.

"That's why Mama took it upon herself... Hindi pa tayo handa. Or hindi ka pa handa. So I'll give you that. You deserve that."

Si Kris Aquino ay anak ng pumanaw na dating Pangulong Cory Aquino. Tatay naman niya ang pumanaw na rin na dating Senator Ninoy Aquino. Kapatid naman siya ng former President Noynoy Aquino, ang pangulo ng Pilipinas bago si President Rodrigo Duterte.

Ang “Queen of All Media” ay may anak kay Philip Salvador na si Josh at anak kay James Yap na si Bimby.

POPULAR: Read more news about Kris Aquino here

Can you help me cheat? That is the question we’re going to ask during our new social experiment. Imagine you’re sitting in the park, relaxing and enjoying your day, when a young couple comes to you. They look like they are in love. The guy gives you his cell phone, asking to take the call and tell his wife he is at the meeting. You understand that he is cheating on her. What will you do? And what do you think other people did, when heard “Can you help me cheat?”

Philippines Social Experiment: Who Will Help You Cheat On Your Wife? - on Human Meter YouTube Channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Away na 'to! Eric John Salut, binash nang todo matapos tawaging "tamad na Senador" si Manny Pacquiao

Away na 'to! Eric John Salut, binash nang todo matapos tawaging "tamad na Senador" si Manny Pacquiao

Away na 'to! Eric John Salut, binash nang todo matapos tawaging "tamad na Senador" si Manny Pacquiao
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel