Meralco Bolts nagpasiklab sa laban nila ng Alaska Aces

Meralco Bolts nagpasiklab sa laban nila ng Alaska Aces

-Nanalo ang koponan ng Meralco Bolts laban sa Alaska Aces

-Nasungkit ng Bolts ang top 2 spot sa 2018 PBA Commissioner’s Cup

-Chris Newsome pinangalan na best player of the game

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ang koponan ng Meralco Bolts ay nagwagi laban sa Alaska Aces para sa 2018 PBA Commissioner’s Cup na ginanap sa Araneta Coliseum, linggo ng gabi. Ipinakita ng Meralco Bolts na kaya nilang putulin ang sunud-sunod na panalo ng Alaska.

Sa laro ng dalawang koponan, anim sa mga manlalaro ng Meralco Bolts ay nakakuha ng double-digits na iskor na nagpatalo sa Alaska Aces. Parehong 7-2 win-loss ang record ng dalawa at maaaring magbago pa pagkatapos ng dalawang larong natitira para sa kanila.

Sa naganap na laro noong linggo, pinangalanan si Chris Newsome na best player of the game na nagtalaga ng 8 assists, 18 puntos, at 4 rebounds. Tumulong din ang import na si Arinze Onuaku na may 23 rebounds at 14 points, si Jared Dillinger na may 17 points, at si Baser Amer na may 6 assists at 17 points din.

Ito din ang unang talo muli ng Alaska sa loob ng dalawang buwan na paglalaro sa PBA Commissioner’s Cup ngayong taon.

Ayon sa coach ng Meralco Bolts na si Norman Black, naging magaling ang depensa ng Meralco Bolts kaya nakaya nila ang Alaska Aces. Dagdag pa nito, balanse din ang scoring nila pagdating sa opensa.

Dahil sa panalo nila laban sa Alaska Aces, nasungkit nila ang top 2 sa 2018 PBA Commissioner’s Cup.

Ang Meralco Bolts ay isang koponan na naglalaro sa Philippine Basketball Association o PBA. Unang naglaro ang Meralco Bolts noon 2010 nang mabili ng MERALCO ang PBA franchise ng Sta. Lucia Realtors.

Nais mo bang malaman kung ano ang mga nakakatuwang kinalakihan ng mga Pinoy? Huwag mag-alala, dahil sa bidyo na ito, malalaman mo ang mga nakakatuwang paniniwala ng mga Pilipino na magpapatunay kung isa ka din ba sa kanila. Kung nais mong maging una sa lahat ng breaking news, nakaka-aliw na kwento at bidyos, dito ka lamang sa BeKami Youtube Channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Base sa SWS survey, mas nabawasan na raw ang krimen sa Pilipinas ngayon

Base sa SWS survey, mas nabawasan na raw ang krimen sa Pilipinas ngayon

Base sa SWS survey, mas nabawasan na raw ang krimen sa Pilipinas ngayon
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel