Inay na, tatay pa! Pagbibigay pugay sa mga ina na ama din

Inay na, tatay pa! Pagbibigay pugay sa mga ina na ama din

- Sa araw ng 'Father's Day' binibigyan din namin ng pugay ang mga ina na naging tatay din ng kanilang mga anak.

- Nakasanayan na nating na bigyan ng parangal o karangalan ang mga ama na nagpalaki, nagmahal, nagsakripisyo, at nagbibigay ng magandang buhay sa atin.

- Ang 'Star Cinema' sa pamamagitan ng 'ABS-CBN' website ay naglista ng ilang mga showbiz personalities na mga mommies na, daddies din sa kanilang mga anak.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

At dahil din dito, naniniwala din ang KAMI sa pagibibigay ng karangalan sa mga 'strong, single moms' sa mundo ng showbusiness na gumawa ng ilang mga magic at nilalaro ang papel na ginagampanan ng parehong mga magulang sa buhay ng kanilang mga anak.

Kaya naman pinag-ipon din namin ang ilan sa mga celebrity single moms na kinabibiliban ng madlang people.

5. Meryll Soriano

Ang aktres ng 'La Luna Sangre' ay isang single mom sa kanyang anak na lalaki na si Elijah.

Pinalaki nya ang kanyang anak na mag-isa pagkatapos ng hiwalayan nila ng kanyang asawa na si Bernard Palanca.

Nilalarawan ng multi-awarded na aktres na anak ni Willie Revillame at pamangkin ng 'Diamond Star' na si Maricel Soriano na ang kanyang relasyon sa anak ay mahihintulad sa 'super best friends.'

4. Andi Eigenmann

Isa siguro sa pinaka-cool na tandem ng mother and daughter sa showbiz ay sina Andi at anak nitong babae na si Ellie.

Sa makikita din naman sa official Instagram page ni Andi ay mahilig ang dalawa sa travel at swimming pati skating rin.

Noong 2016, kinumpirma na ang ama ni Ellie ay si Jake Ejercito.

Si Andi Eigenmann ay anak ng award-winning veteran actress na si Jaclyn Jose at ang yumaong veteran actor na si Mark Gil.

Half-brothers ni Andi sina Sid Lucero at Gabby Eigenmann.

3. Aiko Melendez

Ang aktres ng 'Bagani' na unang nakilala sa showbiz bilang isa sa mga 'Regal Babies' noong early 80s ay single mom sa mga gwapitong anak na si Andrei Yllana at magandang anak na si Marthena Jickain.

Isa si Aiko Melendez na hinirang bilang isa sa pinakamagaling aktres sa kanyang henerasyon.

Si Andrei ay anak nya sa unang asawa nya na si Jomari Ylanna at si Marthena naman sa pangalawang asawa na si Martin Jickain.

2. Denise Laurel

Ang aktres ng 'La Luna Sangre' ay isa ding solo parent sa kanyang anak na lalaki na si Alejandro.

Noong 2011, inamin ng aktres na nagbigay buhay siya sa isang anak na lalaki na ang ama ay isang Italian-American.

Ang gwapo ng bata at halata naman na nakuha niya ito sa kanyang magandang ina.

Si Denise Laurel ay apo ni former vice president na si Salvador Laurel at great-grandaughter ng former president na si José P. Laurel .

Siya din ay great-granddaughter ng former governor ng Romblon at Palawan at great grand niece of former president Manuel Roxas.

1. Karla Estrada

Si Queen Mother ni Daniel Padilla at ang momshie sa 'Magandang Buhay' ay pinalaki ang apat na anak na nag-iisa.

Isa sa kanyang mga anak ay ang napakasikat na aktor ngayon na si Daniel Padilla.

Ang tatlo pa sa kanyang mga anak ay sina Jose Carlito Padilla, Margaret Planas, at Carmela Tenorio.

Sa isang interview ng 'ABS-CBN News' sinabi ni Queen Mother momshie Karla Estrada:

"Sanayin mo iyong mga anak mo na kahit masakit man, sabihin mo iyong totoo. Maging totoo tayo sa mga anak natin."

Nag-umpisa si Karla Estrada bilang miyembro ng Wednesday group ng 'That's Entertainment' noong 1987.

Noong 2016, ay pumirma ng 2-year exclusive contract sa 'ABS-CBN' ang queen mother momshie at pinsya sya ng 'Bubble Gang' star na si Antonio Aquitania.

POPULAR: Read more news about Karla Estrada here

Dahil pinag-uusapan natin ang mga mister ngayon, nagkaroon ng isang social experiment ang aming grupo upang malaman kung may Pinoy ba na tutulong sa isang mister sa paglinla og pangangaliwa sa kanyang asawa.

Tingnan sa baba ang resulta ng nasabing eksperimento

More HumanMeter videos on YouTube here

Source: Kami.com.ph

Related news
"Kung kabet ka nga, sana hindi ka na magrecruit," Jade at Marissa, natameme!

"Kung kabet ka nga, sana hindi ka na magrecruit," Jade at Marissa, natameme!

"Kung kabet ka nga, sana hindi ka na magrecruit," Jade at Marissa, natameme!
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel