Vice Ganda, saludo ang mga netizens at celebrities sa kanyang mensahe para sa yumaong ama

Vice Ganda, saludo ang mga netizens at celebrities sa kanyang mensahe para sa yumaong ama

- Nitong nakaraang Father's Day, may inalay na mensahe si Vice Ganda para sa kanyang ama

- Idinaan niya ang pagbati sa ama sa pamamagitan ng isang tula

- Na-touch talaga ang mga netizens at celebrities dito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Naging trending ang ginawang mensahe ni Vice Ganda para sa kanyang ama nitong nakaraang Father's Day.

Nalaman ng KAMI na dinaan ni Vice sa isang patula ang kanyang nakaka-touch na mensahe.

Nag-post si Vice ng isang throwback photo kasama ang kanyang yumaong ama at nilagay ang caption na, "Yan ang TATAY ni TUTOY. Mabait pero mabagsik. Mapagmahal pero may saltik. Malambing pero namamalo ng bata. Matapang pero mababaw ang luha. Matalino sya pero marami rin syang mali.

"Madamdamin pero nakangiti. Mabigat pero magaan. Walang pera pero mayaman. Lumisan pero di lumayo. Nawala pero di naglaho. Sya si TATAY. Parang si TUTOY. Sya ang TATAY ni TUTOY."

Ayon sa ulat ng PUSH, ultimo ang ilang celebrities ay humanga sa post niya. Nag-comment si Bianca Gonzalez ng "Ang ganda" at naglagay naman ng heart eyes emojis si Mariel Padilla.

Maraming netizens ang humanga at na-touch sa napakagandang mensahe ni Vice para sa ama.

Read some of the comments from netizens below:

"Priceless tribute sa Tatay ni Tutoy"

"Naiyak ako Tay. Happy Father's Dat po Tatay Reynaldo. Pati sayo Tay Vice, we love you and Tatay Reynaldo. Muaaah~"

"HAPPY FATHERS DAY TAY REY Salamat po Na kung wla kyo ni nanay rose wla si Tutoy na nag papasaya samin ngayun Pa sbi na lang din po sa Tatay Ko Happy Fathers day For sure naman po nag kita na kayo sa Heaven"

"aww ang ganda nakakaiyak"

"Ay nagustuhan ko toh tagos na tagos"

Jose Marie Borja Viceral, o mas kilala bilang Vice Ganda, ay isa sa mga regular hosts ng noontime show sa ABS-CBN na It's Showtime. Noong mga panahong hindi pa sikat si Vice ay nagsimula siya bilang isang stand-up comedian sa Punchline at The Library.

Can you help me cheat? That is the question we’re going to ask during our new social experiment. Imagine you’re sitting in the park, relaxing and enjoying your day, when a young couple comes to you. They look like they are in love. The guy gives you his cell phone, asking to take the call and tell his wife he is at the meeting. You understand that he is cheating on her. What will you do? And what do you think other people did, when heard “Can you help me cheat?”

Philippines Social Experiment: Who Will Help You Cheat On Your Wife? - on Human Meter YouTube Channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Tampo noon, bati ngayon! Pagsasamahan ni KC Concepcion at Sharon Cuneta nagpapakita ng realidad na nangyayari sa mga mag-ina

Tampo noon, bati ngayon! Pagsasamahan ni KC Concepcion at Sharon Cuneta nagpapakita ng realidad na nangyayari sa mga mag-ina

Tampo noon, bati ngayon! Pagsasamahan ni KC Concepcion at Sharon Cuneta nagpapakita ng realidad na nangyayari sa mga mag-ina
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel