Nakaka-proud! Tatay na basurero, nakapagpatapos na ng anak sa kolehiyo

Nakaka-proud! Tatay na basurero, nakapagpatapos na ng anak sa kolehiyo

- Proud si tatay Cristito na nakapagpatapos na siya ng kolehiyo sa 5 limang mga anak niya

- Ilang taon nang nagbabasura si tatay Cristito at ito ang ipinambubuhay niya sa kanyang pamilya

- Aminadong minsan nagigipit, ngunit ngayon, may isa na siyang anak na napagtapos at handang magtrabaho na rin para makatulong sa kanilang pamilya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Proud ang anak ni Cristito Quimado na si Jenny Rose na nakapagtapos siya sa pagsusumikap ng kanyang ama na isang basurero.

Nalaman ng KAMI na di lang si Jenny Rose ang anak ni Tatay Cristito. 5 silang magkakapatid at si Jenny Rose ang unang nakapagtapos sa kanila.

"Proud ako kasi napagtapos niya ako sa pagbabasura niya," bungad ni Jenny Rose sa panayam sa kanya.

"At alam kong mapapagtapos din niya ang apat ko pang kapatid," daaaagdag pa niya.

Tatay na ilang taon nang basurero, nakapagpatapos na ng anak sa kolehiyo

source: DigiDokyu

Ayon sa Pilipino scoop, ilang taon nang garbage collector si Tatay Cistito at ito ang pangunahing ikinabubuhay ng kanilang pamilya.

Gumigising siya ng alas tres ng umaga at iyon na ang sumula ng kanyang araw kung saan kumikita siya ng umaabot ng 500 piso kada araw.

Dito na rin niya kinukuha noon ang gastusin ni Jenny Rose na bagaman isa siyang iskolar, tuition lang naman ang libre sa kanya.

Minsan, pumapasok din noon si Jenny Rose. Pero tinitiis niya ito at iniisip ang pagsusumikap ng kanyang ama para sa kanila.

Sa tuwing tinatanong nga si Jenny Rose kung ano ang trabaho ng kanyang ama, diretso ang sagot niyang "basurero po" at kahit kailan di niya ito kinahiya.

Ngayong tapos na sa pag-aaral si jenny Rose, hinanda na niya ang kanyang sarili na tutulong na rin siya sa pagpapa-aral sa kanyang mga kapatid.

"Gusto kong ako na ang magta-trabaho[para] ako na lang ang magpapa-aral sa mga kapatid ko.”

Samantala, umani ng papuri ang pagiging 'Superdad' na ito ni tatay Cristito. Nawa ay maging inspirasyon siya sa mga magulang na tulad niya na huwag susukuan ang mga pangarap para sa kanilang mga anak.

Imagine you’re sitting in the park, relaxing and enjoying your day, when a young couple comes to you. They look like they are in love. The guy gives you his cell phone, asking to take the call and tell his wife he is at the meeting. You understand that he is cheating on her. What will you do? Philippines Social Experiment: Who Will Help You Cheat On Your Wife? | HumanMeter on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Nakakadurog puso! Ateng guard pinalabas mahirap at gusgusing mag-iina sa Vista Mall, Taguig

Nakakadurog puso! Ateng guard pinalabas mahirap at gusgusing mag-iina sa Vista Mall, Taguig

Nakakadurog puso! Ateng guard pinalabas mahirap at gusgusing mag-iina sa Vista Mall, Taguig
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel