Netizens, labis na humanga sa pulis na ipinamili ang batang nadaanan niyang walang gamit sa paaralan

Netizens, labis na humanga sa pulis na ipinamili ang batang nadaanan niyang walang gamit sa paaralan

- Viral ngayon ang post kung saan makikita ang isang pulis na ipinamimili ng gamit sa paaralan ang isang batang lalaki

- Nadaanan lamang daw ni PO2 Nestor B Lumicquio Jr . ang batang lalaki sa labas ng paaralan nila na nagmumukmok at walang gamit sa paaralan

- Umani ng papuri ang pulis dahil sa pagtulong sa batang di naman niya kilala

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa isang post na binahagi ng 'Duterte sa Masa', makikita ang larawan ng batang lalaki na ipinamimili ng isang pulis ng mga gamit niya na magagamit sa paaralan.

Nalaman ng KAMI na ang pulis ay si PO2 Nestor B Lumicquio Jr. na nagmalasakit na bilhan ang batang lalaki na nadaanan lamang niya sa labas ng paaralan nito.

Napansin daw kasi ni PO2 Lumicquio na tila nagmumukmok ang bata sa labas ng kanilang paaralan. Nalaman ng pulis na wala pala itong gamit kaya ayaw niyang pumasok sa eskwela.

Walang ano ano ay niyaya agad ni PO2 Lumicquio na pumunta sa palengke ang batang lalaki at doon ipinamili niya ito ng mga gamit para sa paaralan.

Bakas sa mukha ng bata ang kasiyahan dahil makikita sa mukha niya ang npakagandang ngiti sa kanyang labi.

Samantala, umani naman ito ng papuri sa mga netizens dahil nakaka-good vibes talaga ang ginawa na ito ng pulis.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Ganyan ang ideal police officer dapat. Makikita mo, tataas ang respeto, paggalang at pagtingin ng mga mamamayan sa kanila, na kapag nakita sila imbes na bastusin at duraan pagtalikod, respeto at pagmamahal ang sukli basta tapat sa tungkuling " to protect and serve" sa tao."

"isa ks pinag palang alagad ng batas sir naging bukas ang loob ms sa isang batang mayroong pangarap sa buhay sna sir bigyan kp ng maraming biyaya at ipamahagi ms kapus palad na may mga pangarap sa buhay.saludo ako sayo sir sa magandang loob na ibinigay sayo ng panginoon.maraming salamat sir."

"Marami na kasi ngaung mababait na pulis ung mga hindi gumagamit ng droga. Nadadaggan ung mga pulis na matitino. At unti unti nadin nababawasan mga masasamang pulis.saludo po kami sa iyo."

"Mabuhay po kyo PO2 NESTOR B. LUMICQUIO...sana c lord na ang mag blik sa iyo ng kabutihan gaya ng ginawa ninyo god bless po..."

"God bless your heart Sir..kung anong kabutihan ang ginawa mo sa kapwa mo at dobleng biyaya ang ibibigay sa iyo no God hintayin mo lang hindi niya agad agad ibibigay sa iyo"

Imagine you’re sitting in the park, relaxing and enjoying your day, when a young couple comes to you. They look like they are in love. The guy gives you his cell phone, asking to take the call and tell his wife he is at the meeting. You understand that he is cheating on her. What will you do?

Philippines Social Experiment: Who Will Help You Cheat On Your Wife? | HumanMeter on KAMI youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
"Kung kabet ka nga, sana hindi ka na magrecruit," Jade at Marissa, natameme!

"Kung kabet ka nga, sana hindi ka na magrecruit," Jade at Marissa, natameme!

"Kung kabet ka nga, sana hindi ka na magrecruit," Jade at Marissa, natameme!
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel