Wala raw makain! Lola, nangangalakal pa rin sa kabila ng malakas na ulan

Wala raw makain! Lola, nangangalakal pa rin sa kabila ng malakas na ulan

- Nag-viral ang video ng lola na ito na basang basa na nangangalakal pa rin sa kabila ng malakas na ulan

- Nakita ng netizen na si Che Positive ang matanda na inaayos ang kanyang kalakal kaya naman bumalik si Che sa kanilang bahay para kumuha ng maaring mailuto ng matanda

- Ang ilang netizen ay nagparamdam na magpapaabot ng tulong sa matanda

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang netizen ng may pangalang Che Positive ang nagbahagi sa facebook ng video na isang mtandang kanyang nakitang basang basa at nangangalakal pa rin sa gitna ng malakas na ulan.

Nalaman ng KAMI na papalabas noon si Che para mamalengke nang makita niya ang matanda na nangangatal na sa lamig dahil sa malakas na ulan.

Agad na bumalik ng kanilang bahay si Che para kumuha ng ilang pansit canton at sardinas upang ibigay sa matanda.

Pagbalik niya, nakalayo na ito ngunit hinabol pa rin niya para ibigay ang mga pagkaing maari nitong lutuin.

Nakilala ni Che ang lola dahil minsan na niya itong nakita at nasabihang kumatok lamang sa kanilang bahay para mabigyan siya ng bigas at kung anumang pwedeng mai-ulam.

Di pala ito ginawa ng matanda sa kadahilanang nahihiya raw ito.

Inabot ni Che ang mga pagkain at kita niya na bakas ang kaunting aliwalas sa mukha nito.

Ayon kasi kay lola, kinailangan niyang mangalakal dahil wala silang makakain sa araw na iyon. naiiyak pang nabanggit ni lola na hirap na hirap na siya ay minsan na niyang nasabi na sana ay kunin na lamang siya ng Diyos.

Nasabi rin daw ni lola na masakit na masakit ang likod niya nang araw na iyon, dumagdag pa ang malakas na ulan kaya naman basang basa siya.

Samantala, dahil sa pababahagi ni Che sa kalagayan ni lola na nakilalang si Rosalia Escalona, bumaha ang tulong ng mga netizens para sa kanya.

May mga nagpala ng pera na agad naman pinamili ni Che para sa matanda.

Nagbigay na rin siya ng update na naipaabot na niya ang mga umaapaw na groceries kay lola Rosalia at sa pamilya nito.

Imagine you’re sitting in the park, relaxing and enjoying your day, when a young couple comes to you. They look like they are in love. The guy gives you his cell phone, asking to take the call and tell his wife he is at the meeting. You understand that he is cheating on her. What will you do?

Philippines Social Experiment: Who Will Help You Cheat On Your Wife? | HumanMeter on KAMI youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Best actor si kuya! Nagpaawa sa ka-chat kaya nakatangay ng P4M

Best actor si kuya! Nagpaawa sa ka-chat kaya nakatangay ng P4M

Best actor si kuya! Nagpaawa sa ka-chat kaya nakatangay ng P4M
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel