Chavit Singson, di pa umano nababayaran ng 100 milyong piso ng kasosyo sa Miss Universe

Chavit Singson, di pa umano nababayaran ng 100 milyong piso ng kasosyo sa Miss Universe

- Isa si Chavit Singson sa mga gumastos para maidaos ng maayoss ang Miss Universe pageant sa bansa noong nakaraang taon

- Hanggang ngayon, di pa rin daw siya nababayaran ng kanyang mga kasosyo na abot pa sa 100 milyong piso o 2 milyong dulyar

- Gayunpaman, desidido pa rin si Chavit na gastusan muli ang naturang pageant na gaganapin pa rin dito sa Asya ngayong taon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nagsalita na ang negosyanteng si Chavit Singson sa di umano ay di pa nakakabayad sa kanya ang iba niyang kasosyo sa Miss Universe pageant na ginanap sa SM Mall of Asia Arena noong pang Enero 2017.

Nalamn ng KAMI na isa't kalahating taon na ang nakalipas ngunit nananatiling nakapako pa rin ang pangako ng private corporation na ito dito sa bansa at iba pang nakipagtulungan sa Department of Tourism para maidaos ang naturang pageant.

Ayon pa sa ABS-CBN, humigit kumulang na nasa $14 milyon dulyar ang binagsak ni Chavit sa mga gastusin ng Miss Universe.

"Awa ng Diyos, 'di pa ako bayad. Maraming rason. I don't want to name names, pero marami pa silang kulang. May sisingilin pa akong P100 million, $2 million. Dapat magbayad na sila," ani Chavit.

Ngunit, di raw ito ang magiging dahilan para di na siya tumulong sa susunod na Miss Universe na gaganapin muli dito sa Asya. Katunayan, pinakilala na niya si MUO head na si Paula Shugart, Isa sa mga business partners niya sa Tsina.

"Kasama ko sila sa China, nag-inspect, lahat, so ever since sinabi ko, 'Hindi na 'to gagawin sa Pilipinas.' Iyon lang, hindi puwede ang live telecast doon," kwento ni Chavit.

Isa ang Macau sa maaring pagdausan ng Miss Universe ngunit mas malaki raw ang posibilidad na sa Seoul.

Imagine you’re sitting in the park, relaxing and enjoying your day, when a young couple comes to you. They look like they are in love. The guy gives you his cell phone, asking to take the call and tell his wife he is at the meeting. You understand that he is cheating on her. What will you do?

Philippines Social Experiment: Who Will Help You Cheat On Your Wife? | HumanMeter on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Robin Padilla, may matapang na pahayag laban sa pag alis ng wikang Filipino sa kolehiyo

Robin Padilla, may matapang na pahayag laban sa pag alis ng wikang Filipino sa kolehiyo

Robin Padilla, may matapang na pahayag laban sa pag alis ng wikang Filipino sa kolehiyo
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel