Ate Girl Jackque Gonzaga, naging emosyonal nang pag-usapan si Vice Ganda

Ate Girl Jackque Gonzaga, naging emosyonal nang pag-usapan si Vice Ganda

- Naging emosyonal si 'Ate Girl' Jackque Gonzaga nang nagbigay ito ng mensahe para kay Vice Ganda

- Di niya napigilang umiyak dahil malaki raw ang naitulong ni Vice Ganda sa mga magagandang nangyari sa buhay niya

- Nagbigay din ng menshe si Vice Ganda para kay Ate Girl ang sinabi nitong tutulungan niya talaga ito na maabot ang "Magandang Buhay"

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa episode ng Magandang Buhay noong Hunyo 15, di napigilang maging emosyonal ni 'Ate Girl' Jackque Gonzaga nang hiningan ito ng mensahe para sa kasama niya sa 'It's Showtime' na si Vice Ganda.

Nalaman ng KAMI na naluha talga si Jackque nang pasalamatan nito si Vice dahil sa mga magagandang pagbabago na dala nito sa kanyang buhay.

"Sana nakakatulong ako sa 'yo sa kahit anumang paraan na mapagaan ko 'yung loob mo, kasi iyon lang 'yung kaya ko, e," ani Jackque habang umiiyak.

"Sobrang grateful po ako sa kanya, dahil doon sa simpleng pagpansin niya, 'yung banter, simpleng sagutan, ang daming bumukas na opportunities. Biglang naging ganito," dagdag pa niya.

Nakilala si Jackque bilang si 'Ate Girl' na 'love interest' ni Vice Ganda sa kanilang 'skit' sa isang segment sa 'It's Showtime.'

Mula nang nagpakilig sila sa madlang people dahil sa batuhan nila ng mga hugot lines na mabenta, sunod sunod na ang mga offers ni Jackque at guestings kaya naman laking pasalamat niya kay Vice.

Di niya talaga inaasahan na isang napakalaking blessing ang magiging kapalit ilang minuto nilang pagiging sweet ni Vice on-cam.

Samantala, nagbigay din ng mensahe si Vice Ganda kay Jackque at nangako itong tutulungan na makamit ang mga pangarap at magkaroon pa ng 'magandang buhay.'

Narito ang video ng guesting ni Jackque sa 'Magandang buhay' na nakuha ng KAMI sa Youtube.

Imagine you’re sitting in the park, relaxing and enjoying your day, when a young couple comes to you. They look like they are in love. The guy gives you his cell phone, asking to take the call and tell his wife he is at the meeting. You understand that he is cheating on her. What will you do? Philippines Social Experiment: Who Will Help You Cheat On Your Wife? | HumanMeter on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Pinagtaksilan! 5 Filipina celebrities who got cheated on by their husbands

Pinagtaksilan! 5 Filipina celebrities who got cheated on by their husbands

Pinagtaksilan! 5 Filipina celebrities who got cheated on by their husbands
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel