5 local celebrity 'stepdads' na super close sa mga anak ng partners nila

5 local celebrity 'stepdads' na super close sa mga anak ng partners nila

- Sila na ang tumayong parang totoong ama ng mga anak ng kanilang mga asawa o partner

- Di man magkadugo pero super close sila

- Nararapat lamang na batiin pa rin sila ng 'Happy Father's day' dahil sa pagmamahal na pinararamdam nila sa kanilang stepsons o stepdaughters

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Di man sila magkadugo, tinuring na parang totoong anak ng mga stepdads na ito ang mga anak ng kanilang naging asawa o partners.

Nalaman ng KAMI na talagang mahal na mahal ng mga stepdads na ito ang kani-kanilang stepsons and stepdaughters na close na close din sa kanila.

Ayon sa ABS-CBN, mayroon man silang tunay na mga anak, di parin nila pinabayaan ang kani-kanilang stepchildren

Narito ang mga father figure ng showbiz na dapat din nating batiin ng Happy Father's day!

1. Kiko Pangilinan

Sa kabila ng kontrobersiya, nanatiling close sina Kiko Pangilinan at KC Concepcion. Si KC at anak nina Sharon at Gabby Concepcion. Di nakakalimot si KC na laging pasalamatan si Kiko sa pagkumpleto sa kanyang pagkatao sa pagbibigay sa kanya ng 'sense of family.'

2. Dennis Trillo

Gaya ng lalim ng pag-iibigan nina Dennis at Jennylyn Mercado, lumalim na rin ang pagmamahal ni Dennis sa anak ni Jennylyn na si Alex Jazz. Si Alex Jazz ay anak ni Jennylyn sa aktor na si Patrick Garcia

3. Paolo Contis

Kamakailan lamang ay nagbahagi ng larawan si Paolo kung saan pareho na sila ng gupit ng buhok ng anak ni LJ Reyes na si AKi. Si Aki ay anak ni LJ Reyes sa aktor na si Paulo Avelino.

4. Troy Montero

Sa isang episode sa Magandang Buhay, nagpasalamat pa ang anak ni Aubrey Miles na si Maurie Obgligacion kay Troy dahil sa pagiging parang tunay na niyang ama.

5. KC Montero

Kahit pa hiwalay na sina KC Montero at Geneva Cruz, nanatili paring close sina KC at anak ni Geneva na si Heaven Arespacochaga. Si Heaven ay anak ni Geneva sa drummer ng bandang Introvoys na si Paco Arespacochaga.

Source: Kami.com.ph

Related news
May basehan nga ba? Netizens react to DILG Secretary's appeal to change ‘Ang Probinsyano's' plot

May basehan nga ba? Netizens react to DILG Secretary's appeal to change ‘Ang Probinsyano's' plot

May basehan nga ba? Netizens react to DILG Secretary's appeal to change ‘Ang Probinsyano's' plot
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel