Lord of Scents Joel Cruz nilinaw ang mga paratang sakanya ng negosyanteng si Kathelyn Dupaya

Lord of Scents Joel Cruz nilinaw ang mga paratang sakanya ng negosyanteng si Kathelyn Dupaya

- Joel Cruz sinagot ang mga akusasyon sa kanya ni Kathelyn Dupaya

- Cruz nagbahagi ng kanyang saloobin tungkol sa pangloloko ng Brunei-based businesswoman na si Dupaya

- Ibinahagi ni Cruz walang totoo sa mga sinabi ni Dupaya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Lord of Scents na si Joel Cruz ay binigyang sagot ang mga alegasyon sa kanya ni Kathelyn Dupaya na isang negosyante naka-base sa Brunei. Binunyag ni Cruz na pawang kasinungalingan lamang ang mga pahayag ni Dupaya laban sa kanya.

Ayon sa Pep.ph, nagbigay ng pahayag si Kathelyn Dupaya na di umano’y expired ang mga pinapadala na pabango ni Joel Cruz sa Brunei. Inamin ni Joel Cuz na labis siyang nasaktan sa naging paratang sa kanya ng negosyante. Hindi lang si Cruz ang nasaktan sa alegasyon dahil ang pamilya nito ay nararamdaman din ang sakit.

Dagdag pa ni Cruz, masama sa pakiramdam ang nangyayari dahil pinaghirapan ng kumpanya niya na malikom ang pera nakanyang ipinahiram kay Dupaya ngunit bigla nalang itong nawala na parang bula. Isa pa, may nasira din na pagkakaibigan dahil sa pera.

Nilinaw ni Cruz na hindi expired ang mga pabangong binili sa kanya ni Dupaya at hindi nagkakahalaga ng dalawang milyon ang binili nitong produkto sa kanya.

Ang nais na lamang ni Joel Cruz ay mabayaran siya ng negosyante sa kanyang utang na nagkakahalaga ng P40 million. Napabalita na sinampahan na ng Lord of Scents si Dupaya ng kasong estafa at libel.

Si Joel Cruz ay isang negosyante at tinaguriang Lord of Scents dahil siya ang may-ari ng Aficionado at Joel Cruz Cologne na sikat na kumpanya at brand ng pabango.

Walang madali sa lahat ng bagay lalo na sa pagpapapayat. Pero kung ikaw ay determinado, makukuha moa ng iyong nais. Panoorin kung paano nagbago ang buhay ni Sam pagkatapos ng dalawang linggo ng Fitness Challenge. Upang ikaw ay maging una pagdating sa breaking news, latest updates, at nakakatuwang bidyos at kwento, tumungo lamang sa BeKami Youtube Channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Best actor si kuya! Nagpaawa sa ka-chat kaya nakatangay ng P4M

Best actor si kuya! Nagpaawa sa ka-chat kaya nakatangay ng P4M

Best actor si kuya! Nagpaawa sa ka-chat kaya nakatangay ng P4M
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel