May ibubulgar si Christian Bautista sa 'Taste Buddies' tungkol sa kanyang personal na buhay

May ibubulgar si Christian Bautista sa 'Taste Buddies' tungkol sa kanyang personal na buhay

- Ang dating Kapamilya star na ngayon ay Kapuso artist na ay bibisita sa 'Taste Buddies' na hosted by pretty women na sina Solenn Heussaff at Rhian Ramos.

- Sa nasabing episode ay may ibubulgar ang 36 years old na singer at aktor na magbibirthday ngayong October 19 at magiging 37 na.

- Kamakailan lang ay naipabalita ang engagement ni Christian sa kanyang magandang girlfriend na si Kat Ramnani at sinundan naman ito ng plano nilang pagpapakasal.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa episode ng 'Taste Buddies' sa 'GMA News TV' ay bibisita si Christian Bautista upang samahan ang mga magagandang hosts nito na si Solenn Heussaff at Rhian Ramos sa Sabado na ito, June 16, 8:40 p.m.

Kamakailan ay napabalitang magpapakasal na din si Christian Bautista sa kanyang fiancee na si Kat Ramnani.

At ayon sa balita na nakuha namin sa 'GMA News Online' ay magtatanong daw sina Solenn at Rhian tungkol sa detalye ng nalalapit na kasal ni Christian.

Naispatan ng KAMI ang nasabing trailer ng 'Taste Buddies' kung saan ang 'Asia's Romantic Balladeer' ay sasamahan sina Solenn at Rhian sa mga mamahalin at napakasarap na food adventure.

Ang trio ay susubukan ang ilang mga putahi o pagkain sa 'The Mulberry Door,' isang restaurant na naghahanda ng mamahalin at masarap na pagkain.

Susubukan nila ang specialties ng nasabing pagkainan sa menu nila na American at European inspired dishes.

At gaya ng nabanggit kanina, ay ibabahagi at ipapaliwanag ni Christian ang paparating na wedding nya at talaga namang inaabangan ng mga tagahanga ng singer-actor.

Si Christian Bautista ay unang nakilala sa 'ABS-CBN' sa isang singng talent show na 'Star In A Million' noong 2003 bilang finalist at nanalo sya bilang 4th placer.

Pagkatapos nito ay pumirma siya ng kontrata sa 'Warner Music Philippines' at nagreleased ng kanyang self-titled album na naging multi-platinum.

Sumikat din siya sa ibang bansa sa Asya tulad ng Indonesia, Malaysia, Singapore, at Thailand.

Naging parte din sya ng 'ASAP,' at lumipat siya sa 'GMA-7' noong 2013 at naging parte ng 'Party Pilipinas' at nagkaroon din siya ng mga pelikula at akting roles sa TV.

At dahil pinag-uusapan na natin ngayon ang tungkol sa pag-aasawa, may social experiment na naman tungkol sa kung tutulong ba ang Pinoy na pagcheat ng isang asawa sa kanyang misis.

Panoorin ang resulta ng nasabing social experiment sa baba

For more HumanMeter videos, watch it on YouTube

Source: Kami.com.ph

Related news
Bride-to-be, hiniram ang kamay ng pinsan para sa engagement photo niya

Bride-to-be, hiniram ang kamay ng pinsan para sa engagement photo niya

Bride-to-be, hiniram ang kamay ng pinsan para sa engagement photo niya
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel