Inulan ng halo-halong reaksyon ang viral photo ni Daniel Padilla kasama ang Ginebra player na si Scottie Thompson

Inulan ng halo-halong reaksyon ang viral photo ni Daniel Padilla kasama ang Ginebra player na si Scottie Thompson

- Aktor na si Daniel Padilla umani ng sari-saring komento galing sa netizens

- Scottie Thompson at Daniel Padilla, nag workout ng magkasama

- Netizens iba-iba ang reaksyon sa larawang pinost ng basketbolistang si Thompson

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Muling nag viral ang aktor na si Daniel Padilla sa social media dahil sa larawang ibinahagi ng Ginebra player na si Scottie Thompson. Ayon sa post ng propesyonal na basketbolista, nagkaroon sila ng late night workout ng aktor. Kasama din sa larawan ang aktres at katambal ni Padilla na si Kathryn Bernardo at ang nobya ni Thompson na si Pauline Fajardo.

Ang larawan na ibinahagi ni Thompson na kasama si Padilla ay nag viral at umani ng maraming reaksyon galing sa mga netizens. Ayon din sa post ng PBA and NBA World sa Facebook, nagpakita ng intensyon ang aktor para sa PBA pakatapos niyang makasama mag-workout si Scottie Thompson ng Ginebra.

May mga netizens na nagbigay ng magagandang komento sa aktor sa Instagram account ni Thompson kung saan makikita ang nasabing larawan. Marami din ang natuwa na makita ang couples na magkakasama. Ang iba naman masaya ng makita ang KathNiel at nag iiwan ng komento na gwapo ang aktor na si Daniel.

Ngunit may ibang komento naman sa Facebook ang tila hindi pabor sa pagbigay ng intensyon ni Daniel para sa PBA. May ibang netizens din ang bumatikos sa aktor na parang ayaw pasalihin ang aktor lalo na sa koponan ng Ginebra.

Sa ngayon, umabot na ng mahigit 20k likes ang larawan ni Daniel Padilla kasama si Scottie Thompson sa Instagram.

Si Daniel Padilla ay isang sikat na akto at recording artist. Siya ay tinawag na Teen King at bumida na sa maraming palabas sa telebisyon at pelikula kasama ang katambal na si Kathryn Bernardo.

Nais mo bang malaman kung ano ang pinagbago ni Sam pagkatapos ang dalawang linggo? Bakit hindo mo samahan si Sam sa kanyang Fitness Challeng Week 3 upang malaman mo kung anu-ano na ang kanyang pinagbago. Upang maging una pagdating sa balita, latest scoops, nakakabilib at nakakatuwang bidyos at istorya, dumito lang sa BeKami Youtube Channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Hashtag no excuses! Manny Pacquiao at Floyd Mayweather nagpang-abot sa Tokyo

Hashtag no excuses! Manny Pacquiao at Floyd Mayweather nagpang-abot sa Tokyo

Hashtag no excuses! Manny Pacquiao at Floyd Mayweather nagpang-abot sa Tokyo
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel