Beatbox video ng kambal na Cebuano, umabot na sa mahigit 4 na milyon views

Beatbox video ng kambal na Cebuano, umabot na sa mahigit 4 na milyon views

- Nagviral ang video ng kambal mula sa Cebu na nagbi-beatbox

- Umabot na sa 4 na milyon views ang video na siyang kinatuwa ng mga netizens

- Nakilala ang kambal na sina Joemar at Jake Canencia, of Valencia, Carcar City sa Cebu

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Viral ngayon ang video ng kambal na nagbi-beatbox sa loob ng isang classroom sa paaralan sa Cebu.

Nalaman ng KAMI na ang kambal ay sina Joemar at Jake Canencia, of Valencia, Carcar City, Cebu. Sila ay pawang nasa Grade 7 na ng Tal-ut National high School.

Ayon sa Kicker Daily, isang netizen na may pangalang Badz ang nag-upload ng naturang video ng kambal.

Nakarating ang video na ito sa Kapamilya network kaya naman binisit nito ang kambal bilang bahagi ng ABS-CBN SAgip Kapamilya.

Naikwento ng nanay ng kamba na si Yda Canencia na bata pa lamang ang kambal ay kinahiligan na nilang mag-beatbox. Ngayon, panay pa rin ang practice ng dalawa ng beat ng iba't ibang kanta.

Tanging ang ina ng kambal ang lola ng mga ito ang kasama nila sa buhay dahil pumanaw na ang kanilang ama.

Tanging ang pangongolekta ng kahoy an siyang binebenta nila ang kinabubuhay ng mag-iina. Pahihintuin na nga sana sa pag-aaral ang kambal, ngunit pursigido ang dalawa na pumasok sa paaralan.

Ayon pa sa kambal,pag nakatapos sila ng kolehiyo nais nilang maging drummer.

Samantala, binigyan ng ABS-CBN Sagip Kapamilya ang kambal ng mga magagamit nila sa paaralan ngayong pasukan.

Umabot na ang views ng video na ito sa mahigit 4 na milyon at umani ang pagtatanghal ng kambal ng mga papuri mula sa mga netizens. Sana rin daw ay maabutan pa ng tulong ang kambal para makatapos sila ng pag-aaral.

What are the features that distinguish people of the Philippines from other nationalities? Can we be proud of them? And are these features unique? You Are Filipino If... What Makes Us Unique? | HumanMeter on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
"Mrs. Incredible!" Billboard ni Toni Gonzaga, nagviral sa social media

"Mrs. Incredible!" Billboard ni Toni Gonzaga, nagviral sa social media

"Mrs. Incredible!" Billboard ni Toni Gonzaga, nagviral sa social media
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel