Lucky woman, tila minalas nang di napanalunan ang jackpot dahil lang sa isang numero

Lucky woman, tila minalas nang di napanalunan ang jackpot dahil lang sa isang numero

- Swerte raw talaga sa mga raffle at maging sa lotto si Malou Deocareza

- Di lang isa kundi marami nang beses siyang nananalo ng mula 10,000-50,000 pesos mula sa lotto at maging sa mga raffle ay swerte rin siya

- Tila minalas si Malou nang minsang muntik na niyang mapanalunan ang jackpot prize na nasa higit 28 milyong piso

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Masasabing swerte talaga si Malou Deocareza na madalas manalo sa mga raffle at maging sa lotto.

Nalaman ng KAMI na di lang isa kung ilang beses nang nanalo ng consolation prizes sa lotto si Malou.

Taong 2013, sa taya niyang 30 pesos nanalo siya ng 10, 200 pesos. Sa kasunod na taon, sa taya niyang 20 pesos nanalo siya ng 6,000 pesos. At sa noong 2015, sa taya niyang 170 pesos, nanalo siya ng 50,000 pesos.

Ayon pa sa Pilipino Scoop, di lang sa lotto ang swerte ni Malou. Minsan na siyang nakapag-uwi ng mga groceries at appliance showcase mula sa raffle.

Nito lamang Mayo 31 ng taong kasalukuyan, tumaya muli si Malou sa lotto sa para sa pag-asang manalo siya ng mas malaking premyo.

12, 19, 24, 38, 42 at 10 sana ang kanyang tatayaang mga numero. Ngunit nagbago ang isip niya, pinalitan niya yung 10 ng 27 sa pag-aakalang di pwedeng maglinya sa iisang hanay ng numero.

Narito ang video ng Kapuso mo Jessica Soho na nakuha ng KAMI sa Youtube.

"Kaya yun number 10, nasa baba niya ang number 19. Baka hindi pwede yung magkasunod yung linya niya. Hindi ko nilinyahan yung number 10. Kasi sabi ko baka mag void,” kwento ni Malou.

Di niya inaasahan na ang una pala niyang nasa isip na numero kung saan kasama ang numero 10 ang siyang lucky numbers sa looto noon. Kung pinalad siya at gumana ang swerte nang araw na iyon, tumataginting na PHP 28,523,904 sana ang kanyang napanalunan.

Ayon kay Malou, kung nanalo sana siya ng ganoong halaga, matutugunan na niya ang ibang pangangailangan ng kanyang pamilya, maski ang mga nasa probinsya, papaayos niya ang kanilang bahay at makakabili pa siya ng kotse at makakabayad na rin siya ng mga utang.

“Nanghinayang ako na ang lungkot. Kasi syempre sa 30 million ang dami ng magagawa. Siguro lahat. Lahat-lahat ng problema, lahat ng bayaran mo sa utang,” ani Malou.

Dahil 5 numero ang nakuha ni Malou, akala niya ay makakapag-uwi na siya ng 70,000PHP. Iyon pala 3 silang nakakuha ng numero kaya 22, 540PHP ang kanyang naiuwi.

Gayunpaman, naniniwala si Malou na may rason ang lahat ang Diyos kumbakit di pa niya nakuha ang jackpot.

Pinatikim muna ako ni Lord ng ganito para alam niya kung paano ko gagastusin yung pera. Siguro pinapaunti-unti niya,” paniwala ni Malou.

What are the features that distinguish people of the Philippines from other nationalities? Can we be proud of them? And are these features unique? You Are Filipino If... What Makes Us Unique? | HumanMeter on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Mister, di pa maiuwi ang bangkay ng misis at di pa maipakita sa kanilang anak

Mister, di pa maiuwi ang bangkay ng misis at di pa maipakita sa kanilang anak

Mister, di pa maiuwi ang bangkay ng misis at di pa maipakita sa kanilang anak
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel