Wagi sa kagandahan! Liza Soberano tunay na Darna sa totoong buhay

Wagi sa kagandahan! Liza Soberano tunay na Darna sa totoong buhay

- Minsan sabi nila may magaganda sa labas pero hindi kaay-aya ang kalooban pero ibahin niyo si Liza Soberano.

- Pag malaman mo ang nakakabilib na buhay sa isa sa may pinakamagandang mukha sa buong mundo ay mas lalo mo siyang iibigin at magugustuhan.

- Hindi lang sya Darna sa pinilakang tabing pero sa tunay na buhay din dahil siya ay isang breadwinner.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Unang naispatan namin ang magandang istorya na ito tungkol sa magandang aktres na si Liza Soberano sa 'Star Cinema' sa 'ABS-CBN' website.

Nakilala ang 'Bagani' aktres bilang 'Philippines' Most Beautiful Face' pero mas maaakit ka at bibilib ka sa kanya sa ganda ng kanyang kalooban.

Napag-alaman ng KAMI na si Liza ay nagkaroon ng isang interview sa 'Yes! Magazine' kung saan nagkwento siya sa kanyang tunay na buhay.

Isang breadwinner ang aktres at ang kwento niya:

“Ang first paycheck ko sa showbiz… binigay ko kay Daddy. Kasi gano'n daw, di ba? ‘Yung unang kinita, ibibigay sa parents."

At pagpatuloy ni Liza, sinabi nya na ang mga sumunod sa kanyang mga paychecks ay ginamit para pangbili ng kanilang pagkain at bayad sa tuition.

"Ako yung nagbabayad no'ng rent, bumibili ng food... part ng tuition namin, ako din ang nagbabayad."

Dugtong pa ng aktres na hindi daw siya bumili ng cellphone dahil kailangan niyang i-save ang pera.

Saad din niya sa mga damit at sapatos naman, sponsored daw lahat iyon kaya hindi niya kailangan na bumili.

Kaya hindi siya bumibili.

Ang matagal na din daw niyang pangarap ay makapagpatayo ng isang foundation.

"I've always wanted to put up my own parang foundation. It could be like school to help people, iyong mga less fortunate."

Pero kahit na daw sa kanyang katapangan sa paglagpas sa lahat ng bagay ay inamin din ng magandang aktres na mayroon din siyang mga panahon na down siya pati sa kanyang hitsura.

May mga panahon daw na umiiyak siya dahil napapangitan siya sa kanyang sarili at nangyayari daw iyon pag nasa 'bad phase' siya.

Dagdag pa niya:

“Parang when you start gaining weight or if you're just stressed generally because of things… Nagiging haggard ka, feeling mo pangit ka kasi what's inside of you is not feeling at its best.”

Si Hope Elizabeth Soberano, o mas kilala bilang si Liza Soberano, ay pinanganak sa Santa Clara, California. Filipino ang ama ni Liza habang American naman ang kanyang ina.

Namataan si Liza ng isang talent scount noong siya ay 13 years old palang at pinakilala sa manager niya ngayon na si Ogie Diaz.

Mapapanood si Liza ngayon sa pinakabagong fantasy series ng ABS-CBN na ‘Bagani’ katambal ang kanyang love team na si Enrique Gil, ito ay unang umere sa telebisyon noong March 5.

POPULAR: Read more news about Liza Soberano here

Nakakabilib din naman ang ganda ng isang Pinay sa kalooban at kaanyuan, at dahil pinag-uusapan na din natin ang pagiging Pinoy natin, kung ikaw ang tatanungin, ang natatanging ugali nating mga Pinoy na masasabi nating Pinoy ngang tunay?

Ano ang sagot mo?

Panoorin ang mga nakakaaliw na sagot ng ating mga kababayan

For more nakakaaliw HumanMeter videos on YouTube, click here

Source: Kami.com.ph

Related news
Nako, buking! Vice Ganda’s secret relationship before unveiled by a Q&A contender

Nako, buking! Vice Ganda’s secret relationship before unveiled by a Q&A contender

Nako, buking! Vice Ganda’s secret relationship before unveiled by a Q&A contender
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel