Yayamin na mga celebrities na nagmamay-ari ng sariling makeup line

Yayamin na mga celebrities na nagmamay-ari ng sariling makeup line

- Ika nga nila, ang pag-aartista ay pana-panahon lang yan, minsan sisikat ka ng husto sa taas at may mga oras din na nasa baba ka.

- Dahil hindi nga natin masasabi na stable ang pag-aartista at mga proyekto sa showbiz, may mga celebrities na nagtayo ng sariling negosyo nila para sa panahon ng ulan.

- Sila yung mga artista na mahilig sa mga lipstick at kahit anong makeup kaya napili nila ang magkaroon ng sariling brand or line sa cosmetics industry.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ang listahang ito ay unang nakita namin sa 'GMA Entertainment' website at talagang bibilib ka sa pagkabusiness-minded ng mga ito.

Naispatan din ng KAMI ang kanilang mga brand o business sa kanilang Instagram pages.

Angelina and Joey Mead King

Ang mag-asawa ay nagcollaborate sa 'Colourette Cosmetics' at tinawag ang kanilang makeup line na 'The Kings.'

Kung iisipin mo, hindi na nila kailangan pa nito dahil ang yaman-yaman na nila pero ika nga, continue to do well.

Sheena Halili

Ang Kapuso aktres ay may-ari lang naman ng makeup brand na 'Yve Organics' at mayroon din siyang swimwear collection na tinawag nya na 'Yve Swimwear.'

Tila ang 'YVE' na brand ay galing sa 2nd name niyang Yvette.

Karel Marquez

si Karel Marquez naman ay nagmamay-ari ng 'K-Spark Cosmetics.'

Habang nag-aalaga ng kanyang mga babies ay busy din si Karel sa kanyang business bukod sa pag-aartista.

Kris Aquino

Ang 'Queen of all Media' ay may makeup line sa 'Ever Bilena' at tinawag itong 'Kris Life Kit.'

Talaga naman napakabusy ni Kris Aquino dahil maraming mga endorsements na nakalinya sa kanya ay may sariling linya din sya sa cosmetics.

POPULAR: Read more news about Kris Aquino here

Heart Evangelista

Nagcollaborate si Heart Evangelista sa 'Happy Skin' sa kanilang cosmetics' collection na may line na 'Happy Skin love (heart shape) Marie.'

Marie ang 2nd name ni Heart.

Nadine Lustre

Si Nadine Lustre naman ay nagcollaborate sa 'BYS Philippines' para sa kanyang sariling makeup colleciton na 'Lustrous.'

Anne Curtis

Si Anne Curtis naman ay nagkaroon din siya ng sariling makeup line na tinawag nyang 'BLK Cosmetics.'

At ilang buwan pa lang ay nakataganggap na ng award galing sa 'Watsons' bilang 'Most Promising Cosmetic Brand Of The Year' at 'Most Successful New Brand Of The Year.'

Vice Ganda

At kasali din sa listahan si 'Unkabogable' Vice Ganda na talagang sumikat din ang sariling brand na 'Vice Cosmetics.'

Nakakabilig at nakakainspire itong mga celebrities na ito.

Iba talaga ang galing sa Pinoy sa pag-iisp ng sariling idea sa negosyo at

Dahil pinag-uusapan na din natin ang pagiging Pinoy natin, kung ikaw ang tatanungin, ang natatanging ugali nating mga Pinoy na masasabi nating Pinoy ngang tunay?

Ano ang sagot mo?

Panoorin ang mga nakakaaliw na sagot ng ating mga kababayan

For more nakakaaliw HumanMeter videos on YouTube, click here

Source: Kami.com.ph

Related news
Buwis buhay! Erich Gonzales shares near death experience in shooting latest film

Buwis buhay! Erich Gonzales shares near death experience in shooting latest film

Buwis buhay! Erich Gonzales shares near death experience in shooting latest film
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel