Magkasamang nag-abroad, uuwing mag-isa! Biyudong OFW, nais nang maiuwi ang labi ng misis mula sa Riyadh

Magkasamang nag-abroad, uuwing mag-isa! Biyudong OFW, nais nang maiuwi ang labi ng misis mula sa Riyadh

- Sabay na umalis papuntang Riyadh sina Allan at kanyang misis patungong Riyadh

- Maayos naman ang napasukan nila ngunit sa di inaasahang pagkakataon, bigla na lamang nawalan ng malay ang kanyang misis at kalaunan ay namatay din

- Wala nang nais pa si Allan kundi ang maiuwi ang labi ng kanyang misis dito sa Pinas na matagal nang hinihintay ng kanilang mga anak

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Wala nang mas sasakit pa kundi ang mawalan ng ilaw ng tahanan. Ang masaklap pa nito, biglaan na lamang itong natumba, nawalan ng malay at kalaunan ay binawian din ng buhay.

Gaya na lamang ng nangyari sa misis ni Allan Gemina. Sabay silang nangarap ng kanyang misis at pinalad pa silang magkasama sa iisang amo sa Riyadh.

Driver roon si Allan habang si DH naman ang kayang misis at swerte silang mabait ang kanilang mga amo.

Isang araw, nagulat na lamang si Allan nang bigla na lang bumulagta ang kanyang misis at di na muling nagising pa. Gumuho talaga ang mundo ni Allan noon.

Narito ang kabuuan ng kwento ibinahagi ng biyudong si Allan sa KAMI. Wala na siyang ibang hiling kundi ang maiuwi ang labi ng kanyang Misis pabalik dito sa Pilipinas.

Magkasamang nag-abroad, uuwing mag-isa! Biyudong OFW, nais nang maiuwi ang labi ng misis mula sa Riyadh

source: supplied

OFW from Riyadh, umalis kami ng asawa ko as a Couple, Driver ako at DH sya, sa kasamaang palad babalik na lang ako na mag isa at ang asawa ko naman ay wala ng buhay.

From Sender Allan Kristoffer Gemina, 40yrs old

Ang trabaho ko Driver lang ako dati ng uv express sa pinas pero nahuli ang licensya ko at kailangan ko tubusin ng halagang 7,000 wala akong pangtubos dahil hindi ako tinulungan ng amo ko kaya nagtiis ako mag tricycle sa lugar namin,ndi kaya pang suporta sa mga anak naming nag aaral kaya naisipan ulit mag apply ng asawa ko mag ofw ayaw ko na sana syang payagan dahil nga yung alis nyang una wala ding nangyari dhil ndi maganda napuntahan nyang amo umabot sya kulang tatlong taon ayaw pa syang pauwiin kung ndi ko kinulit dating amo nya pinayagan nga syang makauwi pero lahat ng naipon nya at mga gamit nya ndi pinauwi sa kanya kahit sariling gamit nya nadala pa nya duon, kaya ng malaman ko nag aaply sya ulit hindi ako pumayag pero sabi ng agent nya kng gusto ko daw sumama ako at apply namin couple iniisip ko nman na mag college na dalawa naming anak pumayag ako kc nga kasama ko naman ang asawa ko magtrabaho dito sa riyadh

At sa loob ng anim na buwan na kaalis kami Nov. 4, 2017 naisipan namin mag pakasal ng asawa ko para nga paglabas ng marriage contract namin padadala nlng sa amin dito Nov 6 araw pa ng birthday ng panganay namin ang araw ng alis nmin kahit masakit sa kalooban nmin mag asawa at wala na kaming magawa iniwan nmin ang tatlong anak nmin sa tatay ko Nov 7 kami nakarating dito.

Magkasamang nag-abroad, uuwing mag-isa! Biyudong OFW, nais nang maiuwi ang labi ng misis mula sa Riyadh

source: supplied

Maswerte nman kmi dahil mabait ang naging amo nmin napuntahan unang araw nmin dito lahat ng plano nmin mag asawa ay pinag usapan pa nmin, umabot ng isang linngo pa sya at Nov 14 umaga nag aasikaso sya dahil nga maghahatid kami ng bata at sana derecho na kami para magpa medical para sa iqama paalis kami bago sya sumakay ng kotse napaupo sya sa gilid ng kotse at walang malay ang asawa ko kaya isinakay ko sya at tinakbo sa hospital comatose sya kinabukasan nov15 alas syete ng gabi dito sa loob ng ICU binawian sya ng buhay ( bigla nlng kc malakas nman sya at wala nman syang sinasabi kng may nararamdaman sya kahit nuon pa sa pinas pa kami) Sobra nga po masakit sa kalooban ko ang nangyari sa akin dito ngyon mag isa nlng ako bigla sya nasa loob pa ng freezer hanggang ngayon nasa hospital pa rin sya dito.

Magkasamang nag-abroad, uuwing mag-isa! Biyudong OFW, nais nang maiuwi ang labi ng misis mula sa Riyadh

source: supplied

Dahil mabait nga ang amo nmin sa nangyari sa amin Hindi kami pinabayaan inasikaso parin nila ang pag papauwi sa amin ng asawa ko at habang nag aantay ako kailan kmi mka2balik ng pinas para mkauwi ko ang bangkay ng asawa ko ndi na nila ako pinag trabaho pero hanggang ngyon nandito pa kmi dhil nga wala pang sched ang balik nmin mag asawa gusto ko NA nga syang mauwi bago mag pasko para kahit ngyong pasko NA ito makasama pa nmin sya ng mga anak nmin kahit patay na sya at mapalibing ng maayos at makapag pahinga na sya at simulan ko ang bagong buhay at ituloy ang lahat ng pangarap nmin para sa mga anak namin kahit wala na sya.

Pinipiit ko lang po mag pakatatag dito ngayon para sa anak nmin pero nung una akala ko ndi ko kakayanin sa bigat ng pagsubok na haharapin ko. Ganun na nga gagawin ko pag balik ko sa pinas aayusin ko lng dapat ayusin babalik ulit ako dito dahil wala ng ibang aasahan ang mga anak ko kundi ako lang.

What are the features that distinguish people of the Philippines from other nationalities? Can we be proud of them? And are these features unique? You Are Filipino If... What Makes Us Unique? | HumanMeter on KAMI Youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Nakaka good vibes ang Moreno-Alapag family dahil sa kanilang 'Kiki Challenge' video

Nakaka good vibes ang Moreno-Alapag family dahil sa kanilang 'Kiki Challenge' video

Nakaka good vibes ang Moreno-Alapag family dahil sa kanilang 'Kiki Challenge' video
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel