Nagpadala ng pasasalamat ang momshie ni Ate Girl kay 'Unkabogable' Vice Ganda

Nagpadala ng pasasalamat ang momshie ni Ate Girl kay 'Unkabogable' Vice Ganda

- Sa kasikatan at pagkakataon na binigay sa 'It's Showtime' dancer na si Jackque Gonzaga na kilala na ngayon bilang si Ate Girl ay walang masisidlan sa kasiyahan ang momshie nito.

- Kamakailan lang ay bumisita ang mag-ina sa 'Magandang Buhay' nina momshie Jolina Magdangal, Melai Cantiveros, at Queen Mother Karla Estrada sa 'ABS-CBN.'

- Naispatan namin ang video na nagviral na ngayon sa Facebook isang oras pa lang nag pagpost at pagshare nito sa website ng naturang istasyon.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ang ina ng 23 years old na si Jackque Gyl Gonzaga na kilala ngayong bilang Ate Girl ay nagpasalamat sa 'Unkabogable' kabaitan ni Vice Ganda dahil ang huli ang pumansin sa dalaga sa segment ng Kapamilya noontime show ang 'Miss Q&A.'

Nagclick ang harutan at dahil dito ay naging regular na tagadala si Ate girl at bumida nga sa nasabing show.

Sa napag-alaman ng KAMI isang 'International Studies' graduate ang dalaga pero mas pinili niya ang pagsasayaw at kahit ayaw ng mga magulang nito ay pinayagan siya kalaunan dahil ayon pa sa ina niya nakikita naman daw niyang masaya ang kanyang anak at iyon ang importante sa kanya.

Kaya naman taos pusong nagpasalamat ang ina ni Ate Girl sa napaka 'Unkabogable' na tulong at suporta na binigay ni Vice Ganda sa kanya nang tinanong siya ni momshie Melai kasama si Queen Mother Karla Estrada.

Panoorin ang nasabing pasasalamat sa babang video

POPULAR: Read more news about Karla Estrada here

Si Ate Girl Jackque Gonzaga ay nagsimula sa 'It's Showtime' bilang backup dancer ng show at nabigyan ng pagkakataon para magdala sa mga tanong sa 'Miss Q&A' kay Vice Ganda at napansin ito ng huli at doon na nag-umpisa ang kasikatan niya

Isa sa natatanging ugali ng Pinoy ay ang marunong tumanaw ng utang na loob at pagpapasalamat, at dahil pinag-uusapan na din natin ang pagiging Pinoy natin, kung ikaw ang tatanungin, ang natatanging ugali nating mga Pinoy na masasabi nating Pinoy ngang tunay?

Ano ang sagot mo?

Panoorin ang mga nakakaaliw na sagot ng ating mga kababayan

For more nakakaaliw HumanMeter videos on YouTube, click here

Source: Kami.com.ph

Related news
Mister, di pa maiuwi ang bangkay ng misis at di pa maipakita sa kanilang anak

Mister, di pa maiuwi ang bangkay ng misis at di pa maipakita sa kanilang anak

Mister, di pa maiuwi ang bangkay ng misis at di pa maipakita sa kanilang anak
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel