Nakakatulala sa kagwapuhan! Top 8 na mga ageless dads sa showbiz

Nakakatulala sa kagwapuhan! Top 8 na mga ageless dads sa showbiz

- Dahil 'Father's Day' na ngayong linggo June 17, 2018, ating ilista ang top 8 na showbiz dads na talagang mapapanganga ka sa walang kupas na kagwapuhan nila.

- Nagbigay ng tribute ang 'Push' website sa mga ageless dads na ito sa industriya ng pelikula at telebisyon ngayong buwan ng mga tatay.

- Kahit na sila ay busy sa schedule at ginagaa ang responsibilidad bilang ama sa kanilang mga anak ay tila hindi tumatanda pero lalong gumagwapo.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Alinsunod sa 'Araw ng Ama,' dito sa KAMI ay magbibigay parangal sa mga natatanging daddy sa mga lokal na sikat na mga artistang lalaki na kinuha ang responsibilidad bilang mapagmahal na ama sa kanilang mga anak.

At habang ang isang pagiging ama at magulang ay isang mapanghamong paglalakbay ay malugod nila itong tinanggap pati ang hamon sa buhay.

Pero sa kabila ng lahat ay napapanatili nila ang kanilang matikas at tindig na tila hindi sila tumatanda.

Silipin natin sila ngayon

8. Jestoni Alarcon

Sinong mag-aakala na 51 years old na si Jestoni Alarcon na nagsimula sa showbiz sa 'That's Entertainment' ng 'GMA-7' noong 1986 at nagkaroon ng maraming pelikula at shows sa telebisyon.

Isa na siyang boardmember sa 1st district ng Rizal at masaya ito kasama ang asawa at tatlong anak.

Ngayon ay makikita siya sa 'Blood Sisters.'

7. Ian Veneracion

Si Ian Veneracion ay nagsimula sa showbiz noong 1982 sa isang show sa telebisyon ang 'Joey and Son' at pagkatapos ay naging parte ng 'That's Entertainment.'

Sa edad na 43 years old ay isang equipment engineer, licensed private pilot, skydiver, paragliding pilot at scuba diver bukod sa pagiging mahusay na aktor sa telebisyon at pelikula.

Ngayon ay masaya siya kasama ang asawa at tatlong anak.

Mahilig din ang aktor sa trail riding, climbing, sailing, at recreational fishing.

6. Richard Yap

Sumikat siya bilang si Sir Chief sa 'Be Careful With My Heart' at ngayon ay makikita siya sa 'Sana Dalawa ang Puso Ko.'

May dalawang anak si Richard Yap at bukod sa pagiging aktor ay isang successful businessman at model ito.

Last May 18, ay nagcelebrate ito ng kanyang 51st birthday.

5. Richard Gomez

Sa edad na 52 years old tila lalong bumabata si Richard Gomez ang tinagurian na isa sa mga gwapong artista at magaling na aktor sa showbiz.

Unang nakilala si Goma at sumikat ng husto sa 'Palibhasa Lalake' ng 'ABS-CBN' at ngayon ay masaya na sa piling ng magandang asawang si Lucy Torres kasama ang anak nilang si Juliana.

Ngayon ay mayor siya sa Ormoc at may 'to be announced' show sya sa 'GMA-7.'

4. Aga Muhlach

Ang gwapong kasabayan ni Richard Gomez sa pagpapatibok ng puso ng mga tagahanga ay ang napakagwapong 'Bagets' star na kahit 48 years old na at magiging 49 na ngayong August 12 ay napakabata at napakagwapong tingnan pa rin.

Ngayon ay gumagawa ng pelikula kasama si Bea Alonzo sa Vancouver sa Canada sa direksyon ng inaanak nila ni Charlene Gonzales sa kasal na si Paul Soriano ang asawa ni Toni Gonzaga.

May dalawng kambal na anak na na mga dalaga at binata pero tila hindi pa rin tumatanda.

3. Benjie Paras

Si Benjie Paras na may matataas at gwapong mga anak din na nagsimula bilang basketball player ng 'Shell Turbo Chargers' at 'San Miguel Beermen' sa PBA at nag-iisang player na nanalo ng sabay ng 'Rookie of the Year' at 'Most Valuable Player.'

Assistant coach siya ng 'San Beda Red Lions.'

Nagsimula sa showbiz noong 1989 sa pelikulang 'Last Two Minutest' at ngayon ay napapanood siya sa 'Bagani' sa 'ABS-CBN' bago nito ay mayroong ilang shows siyang ginawa sa 'GMA-7.'

Sa October 2, ay 50 years old na siya pero tila napakatikas pa rin ang tindig sa kabila ng maraming trabaho at ama sa apat na anak.

2. Piolo Pascual

Talagang ageless beauty si Papa P sa edad na 41 years old at mayroong binatang anak ngayon na ansa showbiz din na si Iñigo Pascual.

Hindi din matutumbasan ang kagalingan ng aktor sa pag-arte at kaya naman isa ito sa pinakasikat at pinakamalaking artista sa bansa.

1. Zoren Legaspi

At si Zoren Legaspi na 46 years old na ngayon.

Ang family nila ni Carmina ay isa sa mga family goals ng mga netizens ngayon.

Sa tindig, tikas, at hitsura sinong mag-aakala na malapit na nasa late 40s na siya?

Iba talaga ang tindig at tikas ng isang Pinoy at siyempre isa sa mga angking ugali natin ay ang pagiging close sa pamilya, at dahil pinag-uusapan na din natin ang pagiging Pinoy natin, kung ikaw ang tatanungin, ang natatanging ugali nating mga Pinoy na masasabi nating Pinoy ngang tunay?

Ano ang sagot mo?

Panoorin ang mga nakakaaliw na sagot ng ating mga kababayan

For more nakakaaliw HumanMeter videos on YouTube, click here

Source: Kami.com.ph

Related news
Dakilang panunulsol! Daniela, inutusan si Marga na kunin ang loob ni Cassie

Dakilang panunulsol! Daniela, inutusan si Marga na kunin ang loob ni Cassie

Dakilang panunulsol! Daniela, inutusan si Marga na kunin ang loob ni Cassie
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel