Hiwalayang showbiz na masyadong dinamdam ng mga Pinoy fans

Hiwalayang showbiz na masyadong dinamdam ng mga Pinoy fans

- Nagpalabas ng listahan ang 'GMA Entertainment' website ng listahan ng mga 'celebrity breakups' na dinamdam ng mga Pinoy.

- Balikan natin ang ilan sa kanila sa pagbalik tanaw natin sa mga masasaya at tunay ngang nakakalungkot na balitang hiwalayan sa showbiz.

- Sila ang mga sikat na mga artista sa Kapuso at Kapamilya networks na talaga namang umingay ang bayan dahil sa kanilang hiwalayan.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ang mga Pinoy ay likas na mahilig sa showbiz at labis labis kung magmahal at humanga ng kanilang mga iniidolong mga artista.

Kaya naman nasasaktan din sila at dinadamdam ang paghihiwalay ng kanilang mga paboritong bituin sa kanilang mga dating minamahal.

Sino ba ang makalimut sa tambalang Vilma Santos at Edu Manzano, Maricel Soriano at Edu Manzano at Gabby Concepcion at Sharon Cuneta.

Siguro lahat ng lola, lolo, tiyahin, tiyuhin, nanay, at tatay natin alam kung ano ang nangyari sa mga sikat na mga artistang ito na labis labis din ang paghihinagpis at luha ng mga tagahanga nila.

Narito ang ilan sa mga celebrity breakups o hiwalayan sa showbiz na tumatak ng husto t pinag-usapan ng bayan:

Ariel Rivera at Regine Velasquez

Ayon sa balita, taong 1995 daw nagkahiwalay sina Regine at Ariel at ngayon ay masaya naman sila sa kani-kanilang mga pamilya.

Martin Nievera at Pops Fernandez

1986 sila nagpakasala at isa sila sa mga kinabibiliban na mga showbiz couples pero pagkatapos ng labing tatlong taon ay nag-file ng annulment si Pops, ayon sa balita, at ayon sa ulat ni Ricky Lo sa PhilStar ay 'finally annulled' na daw ang kanilang kasal.

Rustom Padilla at Carmina Villaroel

Isa sa mga minahal na love teams noong 90s ay sina Rustom Padilla at Carmina Villaroel na nauwi pa nga sa kasalan noong 1994 pero naghiwalay din pagkatapos ng dalawang taon noong 1996. Ngayon ay happily married na si Carmina ni Zoren at may dalawang kambal silang anak.

Yilmaz Bektas at Ruffa Gutierrez

Ikinasal si Ruffa kay Yilmaz noong 2003 pero pagkatapos magkaroon ng dalawang anak ay inanunsyo na naghiwalay sila at 'mutual decision' daw iyon noong May 2007.

Cedric Lee at Vina Morales

Kamakailan lang ay laman ng balita ang dalawang mag-ex dahil sa kanilang anak pero naghiwalay ang dalawa halos 10 years ago na, noong 2009

Jericho Rosales at Heart Evangelista

Naghiwalay ang dalawa noong 2008 pero ayon daw kay Heart hindi ang kanyang mga magulang ang dahilan. Sa mga balita tinuturong dahilan ang parents ni Heart.

Cesar Montano at Sunshine Cruz

Nabigyan ng bisa ang kanilang annullment noong 2013.

Derek Ramsey at Angelica Panganiban

Noong 2013, inamin ni Angelica na natapos ang kanilang relasyon ni Derek sa isang phone call.

John Lloyd Cruz at Angelica Panganiban

Pagkatapos ng mahigit na tatlong taon ay naghiwalay ang dawala at kinumpirma daw ito ni Lloydie noong 2016 ng Marso nang sinabi niya na 'very much single' siya.

Billy Crawford at Nikki Gil

Pagkatapos ng limang taon ay nagkahiwalay ang isa sa mga paboritong couples sa showbiz pero noong 2013 sinabi ni Billy hindi daw 3rd party ang dahilan.

James Yap at Kris Aquino

Biglaang inanunsyo ni Kris Aquino ang paghihiwalay nila noong 2010 pagkatapos ng limang taong kasal.

POPULAR: Read more news about Kris Aquino here

Christian Bautista at Rachel Ann Go

Isa sa kinakikiligan na relasyon sa showbiz ang dalawang ito pero noong 2007 pagkatapos ng dalawang taon ay nagbreak ang dalawa.

Gerald Santos at Kim Chiu

Nagkahiwalay ang dalawa noong 2013.

Timothy Tan at Sunshine Dizon

2016 nang sumabog ang balitang hiwalayan ng dalawa pagkatapos ng anim na taong pagsasama.

Elmo Magalona Janine Gutierrez

Inamin ng ni Janine sa '24 Oras' na tapos na daw ang dalawang taong relasyon nila ni Elmo.

Tommy Esguerra at Miho Nishida

Binalita ang kanilang hiwalayan noong Abril noong isang taon, 2017.

Zanjoe Marudo at Bea Alonzo

Akala ang lahat okay na okay ang couple na ito na umamin daw na naging sila noong 2011 ng Oktubre pero noong 2016 ng January ay kinumpirma ni Zanjoe na wala na daw sila

Piolo Pascual at KC Concepcion

Pagkatapos ng isang taon na nagsimula noong Oktubre ng 2010 ay binalita na hiwalay na sila.

Phil Younghusband at Angel Locsin

Noong Oktubre ng 2013, kinumpirma daw ni Angel Locsin sa isa post sa 'Twitter' na hiwalay na sila ni Phil.

POPULAR: Read more news about Angel Locsin here

Robi Domingo at Gretchen Ho

Inamin ng dalawa noong 2017 ng Marso na hiwalay na sila pagkatapos ng tatlong taon.

Aly Borromeo at KC Concepcion

Sa Instagram post noong Maros ngayong taon kinumpirma ng anak ng megastar ang paghihiwalay nila ni Aly.

Jojo Oconer at Ciara Sotto

Ilang araw bago ang kanilang 5th wedding anniversary sa January 17, 2016, ay iniwan ni Ciara Sotto ang asawa dahil sa alegasyon ng pangangaliwa.

Dahil pinag-uusapan na din natin ang pagiging Pinoy natin, kung ikaw ang tatanungin, ang natatanging ugali nating mga Pinoy na masasabi nating Pinoy ngang tunay?

Ano ang sagot mo?

Panoorin ang mga nakakaaliw na sagot ng ating mga kababayan

For more nakakaaliw HumanMeter videos on YouTube, click here

Source: Kami.com.ph

Related news
14-day-old na baby, patay sa pagpapadede raw ng ina na antok na antok na

14-day-old na baby, patay sa pagpapadede raw ng ina na antok na antok na

14-day-old na baby, patay sa pagpapadede raw ng ina na antok na antok na
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel