Pinay OFW, nanatiling positibo sa kabila ng pahamak niyang tiya na nagdala sa kanya sa Saudi

Pinay OFW, nanatiling positibo sa kabila ng pahamak niyang tiya na nagdala sa kanya sa Saudi

- Binahagi ni Ren ang kamalasan na mga naranasan niya sa kanyang buhay

- Battered wife siyana may dalawang anak kaya naman nakipaghiwalay siya sa asawa ngunit mas naging miserable ang buhay niya kaya tinangka niyang kitilin ang sarili niyang buhay

- Napilitan siyang iwan ang bansa para mas mabigyan ng maayos na buhay ang mga anak at dahil sa sobrang pagtitiwala niya sa kanyang tiya na siyang magpapahamak lamang sa kanya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami na tayong narinig na kwentong OFW na umantig sa sa ating damdamin.

Gaya na lamang ng kwento ni Ren na isang OFW sa Saudi. Bago pa man siya umalis matitinding dagok sa buhay na ang kanyang kinaharap.

Battered wife siya dahilan para tuluyan na niyang iwan ang kinakasama niya at para na rin sa ikabubuti ng kanilang 2 mga anak.

Sinikap niyang buhayin ang dalawa niyang anak ngunit di raw sapat ang kinikita dito sa Pinas kaya naman napilitan siyang mag-abroad.

Isa pa, tiya naman ang nagrekomenda sa kanya ng trabaho kaya kampante siya na maayos ang mapapasukan niya. Ngunit nagkamali pala si Ren, di niya akalain na mismomg tiya pa niya ang maglalagay sa kanya sa alanganin.

Narito ang kabuuan ng salaysay ni Ren na siyang kapupulutan natin ng inspirasyon. Kahanga hanga ang pagiging positibo niya sa kabila ng mga nangyayari sa kanyang buhay.

"Battered Wife ako... ng makipaghiwalay ako ay di ko akalain na makakayanan ko ang mga sumunod pang mga pagsubok sa buhay ko di sa KSA

Hello po! Im Ren , from baguio city phil. Im 24 years old

I am a single mom since 2012.. yan so nag hiwalay kmi ng father ng mga anak ko nung baby pa panganay ko .and buntis din po pla ako nun sa second baby ko na di ko alam .nag hiwalay kmi dhil *battered wife* ako for how many years so 50/50 din po ang buhay ko sa kanya .. i decide na mag hiwalay nlng kmi kahit masakit sa akin na broken family pero mas masakit na nagugutoman ako nadadamay pa baby ko kasi ung ex ko lagi sa gimikan tas kinukulong lng kmi ng baby ko sa room tas walang food ung baby ko ang na dedede lng sa akin is tubig or kape dhil yan ang laman ng sikmura ko .. so ang dmi kong napag daanang hirap sa ex ko kaya ako ay sumuko na .. i commit suicide din nung kakahiwalay nmin .. blanko na kasi ako nun dhil 50/50 ang panganay ko nuon tapos sya nag papainum sa town ..pero God save me and give me another chance na bumangon ulit at harapin ang bagong buhay na wala sya saamin ng mga anak ko .. so yan nag start nun umuwi na kmi sa parents ko at nag aral ako sa ALS minsan dala ko anak ko pero naka hanap ako work sa isang hotel nag working student ako .. pero kulang na kulang ang kinikita ko sa pilipinas dhil ako din tumutulong sa pamilya ko .. hanggang sa nag decide na ako na mag abroad nlng so sa unang apply ko di pinalad pero ok lng di ako sumuko .. so ilang taon na nakalipas nka 8 jobs na ako sa ibat ibang company sa baguio city .. lakas ng loob lng khit di ako edukada kinaya ko at sinubukan kong pasukin ang mga hiring nuon kahit pang college level.. pero sa awa ng Diyos di nman ako na papaasa kundi ako ay pumapasa sa interview and exam

Pinay OFW, nanatiling positibo sa kabila ng pahamak niyang tiya na nagdala sa kanya sa Saudi
source: supplied

Thanks God napaka bait nya talaga .. so eto na . Dhil napaka liit ng sahud sa pinas at di kasya nag apply na ako abroad september 2016 .. dhil may nag offer saakin direct hired ako dto sa saudi arabia .. pumasa nman ako sa lahat ng nilakad ko at safe naman lahat .. sempre tuwang tuwa ako kahit ang laki na ng nagastos ko di ko na inisip un ang importante maka alis na ako.. lakas ng katawan at tibay ng loob lng .. pag katapos nyan 2017 ng feb .. eto na flight ko na so excited na.. pigil luha lng khit umiiyak ang mga anak ko sa oras ng byahe ko .. papanindigan ko kung ako papasukin ko yan ang binitawan kong salita ... kakayanin ko lahat ng hirap .. pero ang sabi ng nag pasok sa akin dto hindi mahirap .. madali lng ang work .. dalawa lng amo ko wla ng iba at maliit ang bahay .. di ako nman tuwang tuwa .. pag karating ko dito nagulat ako ang laki pala ng bahay may basement pa .. may rooms and cr ng mga lalaki sa garahe/ labas .. so sinabi sa kumuha sakin actually tita ko pala ung kumuha sa akin buong tita ko papalitan ko kasi sya .. so tinanong ko .. *kala ko ba anti maliit lng tong bahay* ang sagot nya * kaya mo yan * so ok dhil nkita ko nga na dlawa lng ang amo ko dto ..

ok pa nman ang work medyo mahirap konte pero nung paalis na tita ko ng mga ilng araw .. naging 6 members na sila dto .. hala so maiyak iyak na ako kasi mag aalga na din ako tatlong bata at tatlong adults ! Ang sbi ng tita ko *hahahahahaha ang malas malas mo hahahaha buti nlng uuwi na ako kawawa ka dto bahala kana jan kayanin mo* .. so napaisip na ako ay linoko ako neto .. hanggang sa habang tumatagal na lumalabas na lahat lahat ng pag hihirap ko dto at ang sbi ng tita ko. * oh yan nakita muna ugali nila diba ang dudugyot nila at ang damot mamamatay ang katulong dto dhil di ka pinapakain kaya pag nag sahud ka wag ka mag tipid ibili mo ng pagkain mo wag mag titipid , bahala ka ikaw nman mamamatay hindi ako * !!!! yan ang sbi ng mabait kong tita

Pinay OFW, nanatiling positibo sa kabila ng pahamak niyang tiya na nagdala sa kanya sa Saudi
source:supplied

at eto pa binayaran ko pa sya sa mga shampoo ko at mga pinakain nya sakin dto !! Dumating na ung time na suko na ako ilng buwan na ako dto dhil ilng beses na ako nahospital pero pinag tratrabaho padin ako at grabe napaka damot nila kaya ung nasasahud ko prang sahud pinas din pala .. sinubukan kuna mag paalam umiyak iyak na ako pero ayaw parin nila.. so sabi ko challenge lng to yan lagi nasa isip ko .. para lng di ako mpanghinaan ng loob ..

hanggang sa nging work kuna din pati work ng lalaki .. lahat na nging work ko yaya katulong electrician .maintinance .masahista .parlorista . Tuitor . Grabe ginawa akong robot dito sabay sabay ang work at utos nila wala kng maririnig buong araw kundi pangalan mo at bilisan mo ! Tulog mo kulang din tulog mo madaling araw gising mo madaling araw din dba ang saya pag may 3 hours ka na tulog . Nakaka idlip nman ako minsan 1-2 hours pag wala sila i uutos pero mas marami utos kesa sa pahinga dto .. eto pa lagi kmi nag aaway ng tatay ng amo ko dhil napaka bastos at manyak .. tita ko din nag pain sa akin sa matanda sinabi nya sa matanda na ok lng ako mag pahawak at mag palamas ng katawan kaya ung matanda ng expect ng sobra .dhil ganun kasi gawain nilang dalawa dto nuon .. lagi ako nag susumbong sa mga anak nya pero di nman nila pag sabihin pinapaiwas lng nila ako .. hanggang sa eto na 9 months na ako dto sa saudi mas palala ng palala ang work ko dto pero ok lng tiis lng ..

Pinay OFW, nanatiling positibo sa kabila ng pahamak niyang tiya na nagdala sa kanya sa Saudi
source:supplied

dhil nkikita ko nman na masaya ang pamilya ko sa nabibigay ko sa kanila at pinag aaral kuna din ung dalawang anak ko at dalawang kapatid ko at isang pinsan ko .. hays kung sana ok ang kinikita natin sa pilipinas di na tayo mkikipag sapalaran dto sa lugar na kung saan wala silang awa sa tao ! Napaisip ako ganito pala ang mangyayari sa akin dto sa sobrang excited ko at trusty ko sa tao .. ganto kinalabasan .. kaya warning na po wag basta basta mag titiwala khit kadugo man yan dhil kaya kang lokohin dhil sa pera at para sa ikakabuti nila.. kaya sa mga may gusto mag abroad lalo dh dto sa middle east pag isipang mabuti .. dhil pag mapunta ka dto dpat kaya mo gawing lima ang katawan mo .kumain ng tira tira mag takas ng pag kain .kumain ng isang beses sa isang araw .. mabuhay ng tinapay lng ang laman ng tyan matulog ng ilang oras lng .. pakisamahan sila.. tiisin laht ng hirap sa araw araw na pkikipag sapalaran .tiisin mo ang gutom habang sila kumakain na walang pake alam sayo .umphf napaka hirap po dhil wala mag aalaga sayo nagtratrabaho ka kahit malala ang sakit mo .. ung tipong pagud kana tulog kna pilitin ka pabangunin para lng ipag handa mo sila ng kakainin nila i abot ang kaylngan nila.. hays ultimo bisita ipag lalaba mo ng dmit at ipag paplantya mo ..sobrang hirap po .dhil agency wala na din di mo na maasahan ..sila pa ang galit talaga sa totoo lng po ..pero kahit ganun pa man po safe padin ako nkakaya ko pa .dasal lng po lagi ..so ayan po share ko lng po pinaiksi ko lng yan pero sa totoo lng mahaba pa sana yan hihi .. salamat po sa inyo Godbless you all po ..

#Ren"

You are Filipino if… What? What are the features that distinguish people of the Philippines from other nationalities? Can we be proud of them? And are these features unique? You Are Filipino If... What Makes Us Unique? | HumanMeter on KAMI Youtube channel.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica