Nakakaantig sa damdamin! isang mag-aaral na bata bitbit ang alagang nakakabatang kapatid

Nakakaantig sa damdamin! isang mag-aaral na bata bitbit ang alagang nakakabatang kapatid

- Umagaw ng pansin ang isang grade 1 student ng 'Salvacion Elementary School (Magallanes South District) sa Facebook dahil sa nakakaantig at nakakabilib na determinasyon at pagmamahal.

- Dahil dito ay napansin ito ng programang 'Rated K' ng 'ABS-CBN' at na feature nga ang bata kasama ang kanyang nakakabatang kapatid.

- Kaya naman nagtrending at nagviral na nga ang nakaka-inspire na storya ng batang ito at karapat-dapata hangaan at tularan.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi hadlang ang kahirapan para makapag-aral at ito ay pinakita at pinatunayan ng 7-year-old grade 1 student na si Justin Gargacera ng Magallanes, Sorsogon.

Una naming naispatan ang kwentong ito sa 'Worthler' at napag-alaman namin sa 'ABS-CBN News' na sumikat ang bata ng husto sa social media dahil sa isang picture niya karga-karga ang kapatid sa klase.

Ang larawan ay kuha ng kanyang guro dahil naantig at humanga sa determinasyon at pagmamahal sa bata at binahagi ito sa official Facebook page ng nasabing eskwelahan para gawing huwaran at inspirasyon din ng ibang bata na mag-aral.

At talaga namang na pansin ng sambayanan at nakapamangha ng mga netizens ang nakakaantig na kwento ni Justin at ang kapatid nitong si Jomar Gargacera, 2 years old.

Napag-alaman ng KAMI na ang grade 1 na estudyante ay binitbit ang kapatid sa klase dahil ayaw mag-absent.

Isinasama niya ang dalawang taong gulang na kapatid sa paaralan para hindi niya ma miss ang klase at para mabantayan at maaalagaan ang bunsong kapatid.

Sila ang totoong halimbawa na tunay na magkapataid walang iwanan kahit ano pa man.

Nakapanlulumo man ang sitwasyong ng dalawang bata pero mas marami ang humanga sa determinasyon na pinakit ni Justin kaya naman nag-viral ang picture nilang magkapatid sa social media.

Ayon pa sa guro na si Lei Hilotin ang nagpost ng viral na picture na ito:

"Naisip ko po na picturan kasi para tularan siya ng ibang bata. Na kahit may dala siyang [kapatid] gusto pa rin niyang pumasok at ayaw niya mag-absent."

Ang kwento sa likod ng litratong ito ay naiwan pala ang magkapatid na Justin at Jomar sa kanilang lolo at lola dahil nagtatrabaho sa Maynila ang kanilang ina.

Ayon sa lola ni Justin na si Rosa Gargacera:

"Gusto kong pumasok sa eskuwela ang mga bata kasi naaawa nga ako sa kanila kasi lalaki silang walang pinag-aralan kaya kahit elementary matapos nila."

Binabantayan ni Justin ang kanyang bunsong kapatid sa tuwing aalig ang kanilang lolo at lolo para mangangalakal sa sawali pero dahil sa kagustuhang mag-aral ay sinasama ng grade 1 student ang kapatid sa paaralan.

Ayon pa rin sa naturang kwento, nilalakad ng magkapatid ang higit kalahating oras para makapunta lang sa paaralan.

Paliwanag naman ng 7-year-old na batang si Justin:

"Kasi po ayaw kong mag-absent para makatapos ako ng pag-aaral at maging pulis para [matulungan] ko si lola."

Nakakabilib ang batang Pinoy!

Dahil pinag-uusapan na din natin ang pagiging Pinoy natin, kung ikaw ang tatanungin, ang natatanging ugali nating mga Pinoy na masasabi nating Pinoy ngang tunay?

Ano ang sagot mo?

Panoorin ang mga nakakaaliw na sagot ng ating mga kababayan

For more nakakaaliw HumanMeter videos on YouTube, click here

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Jy Lin avatar

Jy Lin