Bibisita sa Pilipinas ang rookie sensation ng NBA na si Donovan Mitchell

Bibisita sa Pilipinas ang rookie sensation ng NBA na si Donovan Mitchell

- Talagang magsasaya ang mga Pinoy fans ng 'NBA rookie sensation' Donovan Mitchell dahil bibisita ang basketbolista sa bansa.

- Ito ang balita na nasagap namin galing sa 'ABS-CBN News' at nalaman din namin na dadating siya sa susunod na araw, linggo, June 17.

- Ang #45 'Utah Jazz' point guard, shooting guard na manlalaro ay magkakaroon ng quick visit sa Pinas ngayong buwan na ito.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ito ay isang masayang balita para sa mga NBA fans at lalol na sa mga tagahanga ng manlalaro ng 'Utah Jazz' point guard, shooting guard na si Donovan Mitchell dahil sa quick visit nito sa bansa.

Ang #45 na 21-year-old player ng Utah Jazz sa NBA na kilala din sa pangalan na 'Spida' na tumatakbo para sa 'NBA 2018 Rookie of The Year' ay bibisita sa bansa at ang pagbisita nya'ng ito ay magbibibay ng pagkakataon sa kanyang mga Filipino fans para makasilip ng panandalian sa buhay ng sikat na basketbolista.

At ito rin ay magbibigay sa kanyang mga tagahangang Pinoy ng pagkakataon at pag-unawa kung paano siya gumagamit ng pagkamalikhain sa mga hamon na kanyang kinakaharap bilang isang rookie.

Napag-alaman naman ng KAMI ang reaksyon ng 'Adidas Brand Communications and Sports Marketing Manager' sa Pilipinas na si Jen Dacasin tungkol sa pagbisitang ito ni Donovan Mitchell.

Ayon sa kanya:

“From claiming the 2018 Slam Dunk Champ title to leading in the 2018 NBA Rookie of the Year race, Donovan Mitchell has really inspired our basketball-crazy country and we can’t wait to welcome him to the Philippines

Kung excited na siya, mas lalo ang mga Pinoy fans!

Si Donovan Mitchell Jr. ay mag 22 years old ngayong September 7.

Sya ay naglaro sa college basketball para sa 'Louisville Cardinals' pagkatapos ay napili ng 'Denver Nuggets' sa '13th overall pick' sa NBA draft noong 2017 pero kalaunan ay traded sa 'Utah Jazz.'

Dahil pinag-uusapan na din natin ang pagkahilig nga mga Pinoy sa basketball, kung ikaw ang tatanungin, ang natatanging ugali nating mga Pinoy na masasabi nating Pinoy ngang tunay?

Ano ang sagot mo?

Panoorin ang mga nakakaaliw na sagot ng ating mga kababayan

For more nakakaaliw HumanMeter videos on YouTube, click here

Source: Kami.com.ph

Related news
Haba ng hair! Sharon Cuneta, ibinida kung paano siya pahalagahan ng asawa

Haba ng hair! Sharon Cuneta, ibinida kung paano siya pahalagahan ng asawa

Haba ng hair! Sharon Cuneta, ibinida kung paano siya pahalagahan ng asawa
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel