Vice Ganda, sinabing palitan na lang daw si Vhong Navarro ni Wally Bayola ng Eat Bulaga!

Vice Ganda, sinabing palitan na lang daw si Vhong Navarro ni Wally Bayola ng Eat Bulaga!

- Komendyanteng si Vice Ganda gusto ng palitan sa It’s Showtime si Vhong Navarro

- Muntik na din mag walk-out ang komedyante dahil sa biro ni Vhong sa kanya

- Vice Ganda may pinangalanan na host na gustong ipalit kay Vhong

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi mapagsidlan ang tawa ng madlang pipol ng It’s Showtime nitong Huwebes dahil sa naging komento ng komedyanteng si Vice Ganda sa kanyang co-host na si Vhong Navarro. Ayon sa komedyante, nais niyang palitan na ni Wally Bayola ang co-host dahil sa biro ni Vhong tungkol sa pagbunot ng buhok sa komedyante. Biro pa niya, naiinis na siya sa show na kung saan siya kabilang at gusto na niyang pumunta sa Broadway.

Ayon sa ABS-CBN News, sa segment ng MiniMe 3 ng It’s Showtime nangyari ang nakakatawang pasaring ni Vice Ganda kay Vhong Navarro. Gusto na ng komedyante na si Wally Bayola na lang ang makasama niya na isang host ng kanilang rival show na Eat Bulaga. Sinagot naman ito ni Vhong Navarro ng patanong kung siya na lang ba ang lilipat sa Broadway kung saan ang studio ng kanilang karibal na show tuwing tanghali.

Hindi lang ito ang unang beses na nagbiro ang komedyanteng si Vice Ganda tungkol sa noontime show na Eat Bulaga. May mga episode sa It’s Showtime na kung saan gumawa siya ng re-enactment ng isang sikat na scene ng “Aldub” na isang tandem na sumikat sa Eat Bulaga.

Si Vice Ganda ay isang sikat na komedyante, aktor, mang-aawit, at TV presenter. Siya ay isa sa mga regular host ng It’s Showtime na noontime show ng ABS-CBN. Bumida na din siya sa maraming pelikula at halos lahat ay tinanghal na highest-grossing films.

Nais mo bang patunayan na ikaw ay isang tunay na Pilipino? Panuorin at alamin kung ano nga ba ang mga paniniwala na tanging ang mga Pinoy lang ang naniniwala. Kung gusto mong manguna sa mga breaking news, latest updates, nakakaaliw at nakakabigay ng inspirasyon na mga istoryao o bidyos, bisitahin lamang ang BeKami Youtube Channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Misis, nabundol ng sasakyan at naisipang mag-suicide nang bigla na lamang iwan ng mister na OFW

Misis, nabundol ng sasakyan at naisipang mag-suicide nang bigla na lamang iwan ng mister na OFW

Misis, nabundol ng sasakyan at naisipang mag-suicide nang bigla na lamang iwan ng mister na OFW
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel