Angeline Quinto, lodi na rin si Coco Martin dahil sa pagtulong nito kay Whitney Tyson

Angeline Quinto, lodi na rin si Coco Martin dahil sa pagtulong nito kay Whitney Tyson

- Nagpasalamat si Angeline Quinto kay Coco Martin sa pagtulong nito kay Whitney Tyson

- Matatandaang isa siyang komedyante na namayagpag noong dekada 90

- Nang mawalan siya ng trabaho sa showbiz, pinasok niya ang iba't ibang trabaho

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang lalong humanga kay Coco Martin lalo na nang muli niyang bigyan ng pagkakataon si Whitney Tyson na makabalik telebisyon.

Isa na rito ay ang singer na si Angeline Quinto. Ayon sa kanya, napanood niya lang ang panayam sa komedyante at nahiling niya na sana daw ay mabigyan ito ng break uli kaya naman malaki ang pasasalamat at respeto niya kay Coco dahil sa pagtulong dito.

Si Whitney Tyson na isangkilalang komedyante ay muling humingi ng pagkakataon na makapasok uli sa showbiz. Sa kanyang panayam sa Rated K, ibinahagi ng komedyante ang kanyang naging buhay simula nang mawalan siya ng TV projects.

Ayon sa kanya naranasan niyang tumira sa ilalim ng tulay ng ilang taon. Nang mabigyan naman siya ng pagkakataon na tumira sa relocation site, muli siyang nakaranas ng pang-aapi. Ayon pa sa kanya, binabato ang bahay niya.

Kahit anong hirap daw ay kinakaya niya huwag lang mahira[pan ang kanyang ina. Ang hiling lang ni Whitney ay mabigyan uli siya ng trabvaho sa showbiz. Hindi naman siya nabigo dahil binigyan uli siya ng pagkakataon sa pamamagitan ng FPJ's Ang Probinsiyano na pinagbibidahan ni Coco Martin .

Kilala ang aktor sa kanyang pagiging matulungin at hindi nga nabigo ang komedyante dahil isa siya sa mga bagong mga mukhang mapapanood sa nasabing teleserye.

How Much Money Do You Need to Be Happy? | on HumanMeter

Money: a whim or necessity? How much money do you need every month to be happy? Does the environment affect the amount you need? Find out more about the respondents' answers in this video.

Source: Kami.com.ph

Related news
6 facts! Tungkol sa ika-pito at kauna-unahang babaeng presidente ng Utah Valley University

6 facts! Tungkol sa ika-pito at kauna-unahang babaeng presidente ng Utah Valley University

6 facts! Tungkol sa ika-pito at kauna-unahang babaeng presidente ng Utah Valley University
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel