Through thick and thin talaga! Karla Estrada, nagbalik-tanaw sa pagkakaibigan nila ni Vice Ganda

Through thick and thin talaga! Karla Estrada, nagbalik-tanaw sa pagkakaibigan nila ni Vice Ganda

- Muling napost ng picture si Karla Estrada kasama ang kaibigan niyang si Vice Ganda

- Ayon sa kanya, pag true friends talaga, di madaling masira lumipas man ang ilang taon

-Kasabay nito ay ibinahagi niya ang picture nila ng matalik na kaibigan noong ilang taon na ang nakakalipas at picture nila na bago

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Muling binalikan ng aktres at host na si Karla Estrada ang pagkakaibigan nila ni Vice Ganda.

Naging sentimental si Queen mother nang muli niyang i-post ang dalawang larawan nila ni Vice, na nagpapakita ng pinagbago nila matapos ang isang dekada.

Tila naapreciate niya lalo ang kanilang pagkakaibigan nang muling mapanood ang panayam kay Vice sa morning show nila na Magandang Buhay, noong November 2016.

Sa caption ng nasabing picture sinabi niyang, “Pag true friends talaga, kahit anong mangyari, lumipas man ang panahon, buo pa rin ang pagkakaibigan at samahan!

“Sarap panoorin ng video na ito kasi naaalala ko paano nagsimula friendship namin ni Vice!”

Sumagot din si Vice sa nasabing post. Aniya, “I love you before and forever!!!”

Nagbiro pa ito ,“Di pako nakakaluwag luwag diyan! Ngayon ang luwag luwag ko na!!!”

Matatandaang naunang ibinahagi ang litratong ito ni Vice Ganda noong taong 2017.

20 years ago. Same season. Same place. Same friend. #CantHelpFallingInLoveWithOurFriendship #UltimatePubertyChallengeEntry

Sa panayam sa kanya, naikuwento ni Vice na nagsimula ang pagiging magkaibigan nila ni Karla noong nagsu-show pa siya sa mga comedy bar.

“Matagal [nang nabuo], sa comedy bars ko pa lang, kasi nagpupunta sila palagi.

"Kahit tapos na yung operation, dahil hanggang alas-tres lang naman kami, hindi sila umuuwi agad.

“Nandodoon pa sila, nag-iinuman pa sila, kumakanta pa sila. Siyempre kaming mga host doon sa ano, imbyerna na kami, 'Ano ba naman itong mga 'to, antok na antok na yung mga bakla, hindi makauwi.'

"Pero hindi kami makakaarte kasi bigay sila nang bigay ng pera sa amin.

"Papakantahin nila kami nang papakantahin, pero pag-uwi namin, marami kaming pera.

Ibinahagi din ni Vice ang pagiging mabait at mapagbigay ni Karla.

"Mabait siya. Mahal niya talaga yung mga bakla. Bibigyan niya talaga ng pera ang mga bakla.”

Si Karla Estrada ay bahagi ng pang umagang palabas ng ABS-CBN na Magandang buhay kung saan kasama niyang naghohost dito ay sina Jolina Magdangal at Melai Cantiveros. Tinawag siyang Queen Mother dahil siya ang ina ni Daniel Padilla na isa sa pinakasikat at hinahangaang artista ng kanyang henerasyon.

How Much Money Do You Need to Be Happy? | on HumanMeter

Money: a whim or necessity? How much money do you need every month to be happy? Does the environment affect the amount you need? Find out more about the respondents' answers in this video.

Source: Kami.com.ph

Related news
Gwapings! Jomari Yllana at ang super cute happy baby boy niya

Gwapings! Jomari Yllana at ang super cute happy baby boy niya

Gwapings! Jomari Yllana at ang super cute happy baby boy niya
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel