LJ Reyes, halo-halong emosyon ang naramdaman dahil sa kanyang anak na si Aki

LJ Reyes, halo-halong emosyon ang naramdaman dahil sa kanyang anak na si Aki

- Aktres na si LJ Reyes ipinakita ang bagong gupit ng anak na si Aki

- Ipinaliwanag ng aktres kung bakit siya naging emosyonal

- Ibinahagi din ni LJ kung sino ang ni Aki pagdating sa kanyang hairstyle

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

GMA aktres na si LJ Reyes naging emosyonal dahil marunong ng magdesisyon sa sarili ang kanyang anak na si Aki na kanyang anak kay Paulo Avelino. Ayon sa aktres, ang anak niya mismo ang pumili ng hairstyle na gusto nito. Nais ni Aki na kapareho ng buhok ng nobyo ng kanyang nanay na si Paolo Contis.

Ayon sa Push.com.ph, ibinahagi ni LJ Reyes ang kanyang saloobin sa isang Instagram post. Sabi ng aktres, huling nagpa kalbo ang anak niya ay noong isang taon pa lamang ito. Naging emosyonal din ang aktres habang tinitingnan ang anak.

Dagdag pa ng aktres, tumangkad at marunong ng mag desisyon si Aki dahil alam na kung ano ang ayaw at gusto nito. Dahil sa mabilis na paglaki ng anak, naranasan ni LJ ang separation anxiety ngunit ipinagmamalaki niya ito.

Hindi lang si LJ Reyes ang nagbahagi ng post dahil pati na rin ang nobyo nito na si Paolo Contis ay nag-post ng nakakatuwang larawan nila ni Aki.

Si LJ Reyes ay isang sikat na aktres at talent ng GMA. Nakilala si LJ ng makapasok siya sa Final Four ng Starstruck Season 2, isang reality TV show ng GMA. Nagkaroon siya ng anak na si Ethan Akio sa dati nitong nobyo na si Paulo Avelino. Sa ngayon, makikita ang aktres sa palabas na The Cure ng GMA.

Nais mo bang pumayat pero di mo magawa? Huwag mawawalan ng pag-asa! Samahan mo si Sam sa kanyang fitness challenge at alamin kung ano ang mga pinagbago niya sa kanyang katawan. Kung nais mong maging una sa balita, latest updates, nakakatuwa at nakakatabang puso na kwento at bidyos, dito ka lang sa BeKami Youtube Channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Mister, di pa maiuwi ang bangkay ng misis at di pa maipakita sa kanilang anak

Mister, di pa maiuwi ang bangkay ng misis at di pa maipakita sa kanilang anak

Mister, di pa maiuwi ang bangkay ng misis at di pa maipakita sa kanilang anak
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel