Rumesbak si Gabbi Garcia sa mga 'body shame-rs' sa social media

Rumesbak si Gabbi Garcia sa mga 'body shame-rs' sa social media

- Ang mundo nga naman ng mga artista ay puno ng paet at mga malupit na tao na madali lang mamintas ng mga artista.

- Tila nauuso na ngayon ang mga bashers na mga netizens at isa sa mga pinakapaborito nilang pinapintasan ay ang mga body changes o pagbabago sa katawan ng mga artista lalo na ang mga babaeng artista.

- Katulad na lang ng Kapuso aktres na si Gabbi Garcia na binalikan at rumesbak sa mga 'body shame-rs' niya sa isang 'Twitter' post.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isa nga si Gabbi Garcia sa mga kabataang artista ngayon na pinopunterya ng mga bashers sa social media.

Ayon sa balita na nakuha namin sa 'GMA Entertainment' website ay pinag-usapan daw talaga ang daring look ng 'Encantadia' star sa kakatapos lang na 'Mega Millenial Ball 2018.'

Sa sexy na suot ni Gabbi ay ibinida niya ang kanyang baywang at legs sa isang 'side-baring' gown na gawa ni Yeye Pantaleon.

Marami ang nagustuhan ang suot nya at ang look nya noong gabing iyon pero meron pa ring mga netizens na tila hindi na makahanap pa ng ibang mapintas sa magandang aktres.

Kaya naman nagpost ito ng resbak at parinig sa mga tinatawag nyang 'body shame-rs'

Nakakuha naman ng suporta ang magandang aktres sa kanyang mga followers at ito ang ilan sa nakita ng KAMI:

"don't mind them, inggit lang yan sayo. "
"you dont need their approval to go on with life anyway"
"wag po kayong mag alala mga insecure lang yan sayo ate gabbi"
"You are beautiful no matter what they say, love you crush"

May isang fan naman na nakakuha ng inspiration sa sinabi ni Gabbi at sinabing:

"Amen to that Gabbi, needed that.. Because of them, I am struggling to go out of my comfort zone and to show my skinny figure AGAIN."

Isang follower ang sinabihan si Gabbi na wag pansinin ang mga ito dahil pag lalo niyang papansinin lalo daw silang mang-babash sa kanya.

"Haysss just dont mind it nlng kasi.... mas lalo ka nilang binabash kasi pinapansin mo sila kaya yun alam nilang napipikon ka nila kaya tuloy tuloy lang sila if di mo sila papasinin edi walang issue "

Si Gabbi Garcia ay isang aktres, endorser at recording artist na currently ay artist ng 'GMA Network.'

Ang unang acting role na ginampanan nya ay sa teleseryeng 'My Destiny,' at sumunod ang 'Let The Love Begin.

Pero bumida at sumikat siya ng husto sa pagganap bilang sang'gre Alena sa 'Encantadia' reboot na ginampanan dati ni Karylle

Dahil buwan ng kalayaan ngayon, kung kayo ang tatanungin, ano ang natatanging ugali nating mga Pinoy na masasabi nating Pinoy ngang tunay?

Ano ang isasagot mo?

Panoorin ang mga nakakaaliw na sagot ng ating mga kababayan

For more nakakaaliw HumanMeter videos on YouTube, click here

Source: Kami.com.ph

Related news
Nagharap na! Kabit na humahawak ng ATM ni mister at si misis nagtuos tungkol sa sustento

Nagharap na! Kabit na humahawak ng ATM ni mister at si misis nagtuos tungkol sa sustento

Nagharap na! Kabit na humahawak ng ATM ni mister at si misis nagtuos tungkol sa sustento
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel