Sofia Andres, nagbigay ng pahayag tungkol sa estado ng kanyang showbiz career

Sofia Andres, nagbigay ng pahayag tungkol sa estado ng kanyang showbiz career

- Sofia Andres nilinaw kung ano ang plano sa kanyang karera sa showbiz

- Nais ng aktres na ilaan muna ang oras niya sa sarili

- Sofia gustong ayusin ang mental health issue na kanyang kinakaharap ngayon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Inamin ng aktres na si Sofia Andres na panandalian niya munang iiwan ang buhay showbiz. Napabalitang dumanas ng anxiety ang dalaga at nais nitong magpahinga muna sa loob ng isang buwan. Hindi lang pagkabahala ang pinagdadaanan ni Sofia ngayon dahil maging ang isyu sa mga reporters ay isa ding nagpapabigat ng kanyang nararamdaman.

Ayon kay Sofia Andres, sumasailalim siya sa isang counseling upang maayos ang kanyang problema. Nais niya ding magpokus at mahalin muna ang kanyang sarili lalo na ngayon na nararamdaman niyang unti-unting nawawala ang kanyang sarili.

Dagdag pa ng aktres, natutunan niya kung paano magpahalaga at maging positibo sa buhay. Maraming proyekto na ang tinanggihan ng aktres dahil sa tingin niya ay hindi pa siya handa at buo upang magtrabaho. Ipinangako naman ng aktres na ginagawa niya ang lahat upang maibigay ang hinihingi ng trabaho sa kanya pag tapos na ang kanyang pahinga.

Bago magpahinga si Sofia Andres, huli siyang nakita sa palabas ng ABS-CBN na Bagani bilang si Mayari.

Si Sofia Andres ay isang Pinay aktres at modelo. Napabilang na siya sa iba’t-ibang pelikula at palabas sa telebisyon. Dati siyang ipinareha kay Diego Loyzaga.

Nais mo bang patunayan na ikaw ay isang tunay na Pilipino? Panuorin ang bidyo na ito upang malaman mo kung gaano ka unique ang Pinoy. Kung ayaw mong maging huli pagdating sa mga bagong balita, nakakatawa at nakakataba ng puso na mga bidyos at kwento, huwag ng lumipat pa, dito ka lang sa BeKami Youtube Channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Netizens, nag-react sa nakakaintrigang IG post ni Zsa Zsa Padilla

Netizens, nag-react sa nakakaintrigang IG post ni Zsa Zsa Padilla

Netizens, nag-react sa nakakaintrigang IG post ni Zsa Zsa Padilla
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel