Taos puso ang kanilang suporta! Taga-Quezon, ginawan pa ng espesyal na tshirt si "Lakbay wheelchair Man"JV Solomon

Taos puso ang kanilang suporta! Taga-Quezon, ginawan pa ng espesyal na tshirt si "Lakbay wheelchair Man"JV Solomon

- Isang espesyal na disenyo ng tshirt ang ginawa ng 'Aypuqueshirt Satu' para kay JV Solomon, ang lalaking nililibot ang Pilipinas gamit lamang ang kanyang wheelchair

- Bilang pabaon kay JV, inabot ng 'Aypuqueshirt Satu' ang espesyal na tshirt na ginawa niya para kay JV

- Si 'Aypuqueshirt Satu' ay kilalang gumagawa ng customized shirts sa Quezon, partikular na sa bayan ng Gumaca

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Umabot na sa halos 15 araw na raw sa daan si JV Solomon, ang lalaking nilalakbay ang magagandang lugar sa Pilipinas gamit lamang ang kanyang wheelchair.

Nalaman ng KAMI sa GMA news na ang destinasyon daw nito ngayon ay Bicol at nagmula pa raw siya sa Maynila.

Nang dumaan si JV sa Gumaca, isang bayan sa Quezon na dadaanan patungong Bicol, sinalubong siya roon ng mga Gumakeñong nagpaabot ng mga pabaon para sa kanyang paglalakbay.

Isa na rito ang 'Aypuqueshirt Satu' na sikat sa kanilang lugar na gumagawa ng mga customized shirts.

Sa kanyang facebook page, binahagi ni 'Aypuqueshirt Satu' ang espesyal na t-shirt na ginawa niya para lamang kay JV.

Bakas na mukha ni 'Lakbay Wheelchair Man' ang kaligayan ng tanggapin niya ang mga tshirt na dinisenyo talaga para sa kanya.

Naging bahagi din daw ang LGU Gumaca sa pag-aabot ng konting tulong para sa matagumpay na paglalakbay ni JV patungong Bicol.

Ayon pa sa post ni 'Aypuqueshirt Satu', mas mabuti raw na tulong pinansyal na lamang ang ibigay kay JV kung sakaling magpapaabot tayo sapagkat mahihirapan lamang itong dalhin ang pagkain, tubig o iba pang gamit sa kanyang wheelchair.

Tunay na nakakataba ng puso na makita ang ating mga kababayan na nagtutulungan at nagpapaabot ng suporta sa bawat isa sa kanya kanyang adhikain.

Di ito ang unang pagkakataon na naglakbay si JV gamit ang kanyang wheelchair.

Katunayanan, nakarating na rin siya sa Kalinga at doon nakilala niya ang sikat na mambabatok na si Apo Whang-Od.

You are Filipino if… What? What are the features that distinguish people of the Philippines from other nationalities? Can we be proud of them? And are these features unique? on KAMI Youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Pinagtaksilan! 5 Filipina celebrities who got cheated on by their husbands

Pinagtaksilan! 5 Filipina celebrities who got cheated on by their husbands

Pinagtaksilan! 5 Filipina celebrities who got cheated on by their husbands
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel