Grabe siya! SK councilor, binatikos matapos bastusin ang isang guro

Grabe siya! SK councilor, binatikos matapos bastusin ang isang guro

- Isang SK councilor ang binatikos matapos maliitin ang isang guro

- Si SK councilor Jaycee Santos ay diumano nambastos ng guro habang isinasagawa ang Brigada Eskwela

- Isang guro na mas piniling itago ang kanyang pagkakakilanlan ang nagbahagi ng pangyayari sa social media

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang guro ang nagpabatid ng kanyang pagkadismaya matapos siyang makaranas ng pangbabastos ng isang SK councilor. Nais lamang umano niyang papirmahin ito sa registration paper.

Ayon sa isang ulat, ang nasabing SK councilor ay dumating sa paaralan dakong alas 9 ng umaga. Itong SK councilor daw ay nakatalaga sa education field ng SK Federation kaya naman binati siya ng guro at tinanong kung tutulong ba daw siya sa brigada.

Pasigaw daw itong sumagot, “Ano ba ‘yan, ha? Ano ba ‘yan?”

Nang mga oras na iyon, ang guro ay hindi naka uniporme at siya ay buntis ngunit nanatili siyang mahinahon at tinanong ang SK councilor, “Hindi mo ba ako kilala, nak?”

Tila nagalit siya sa tanong ng guro at sumagot uli, “Ako, kilala mo ba ko?”

Nabigla ang ibang mga guro sa inasal nito at nagsabing, “Nak, teacher yan!”

“Teacher ka lang! SK ako!” galit umano nitong sagot.

Narito ang nilalaman ng post sa Facebook.

Grabe siya! SK councilor, binatikos matapos bastusin ang isang guro

Grabe siya! SK councilor, binatikos matapos bastusin ang isang guro

Kaninang tanghali, mukhang nagkamali ata ako ng kinausap habang nakaupo sa talaan ng panauhin sa pagbubukas ng brigada eskwela. Nakakahiya naman. Madami akong gustong itanong sa kanya ng mga panahong ‘yon. Gaya ng kasingdami ng napatunayan nya sa lipunan bilang SK KAGAWAD. Ako kasi wala, dahil TEACHER LANG NAMAN AKO.

Hijo, pasensa na kung napapirma kita sa mga talaan ng panauhin at mukhang napakalaking pagkaapak sa pagkatao mo yun. Ang nakakatawa pa dyan, ikaw pa ang nakatoka sa larangan ng EDUKASYON bilang SK KAGAWAD. Pero bago ka magsalita na guro lang ako at SK ka, sana naman malaki ang silbi mo sa lipunan. O kahit hindi nalang sa pamayanang kinabibilangan mo, kahit sa pamilya mo nalang.

Ako kasi, ilang taong nagpakadalubhasa sa larangan, lisensyado at nagsilbi sa bayan. Ikaw? Mukhang marami nang napatunayan sa barangay nyo sa LIGA, at nanalong walang kalaban. Salamat sa dami ng ambag mo VIRGEN DELA FLORES.”

Kahit hindi pinangalanan ng guro ang nasabing SK councilor, binatikos ng netizens ang naging asal nito.

Narito ang ilan sa mga reaksiyon ng mga netizens.

“Karamihan naman sa mga nanalo n sk chairman at kagawad e wlang alam sa reyalidad kya lng cla nanalo kc tambay cla at puro barkada ang iniintindi hnd manlang tumulong s magulang o mag bigay ng kasiyahan sa magulang kahit s pamamagitan ng magagandang grades s skwela”

“Dapat kasi bago makatakbo ang mga politician alam ang legal ethics at law. At sa mga botante dapat wag kayong pabulag sa kamag anakan,tropahan,o konting bigay pang walwal “

“Kahit hindi alam ang buong pangyayare huwag mo sana ipagmayabang na sk ka pre sk kalang siya teacher may pinag aralan siya o ikaw sa ugali mo nyan mo mukhang makitid ang utak mo hahaha”

Nagsisisi naman daw ang nasabing SK councilor at nagbigay ng mensahe sa pamamagitan ng kanyang Facebook account.

How Much Money Do You Need to Be Happy? | on HumanMeter

Money: a whim or necessity? How much money do you need every month to be happy? Does the environment affect the amount you need? Find out more about the respondents' answers in this video.

Source: Kami.com.ph

Related news
May pinagdadaanan? Alessandra de Rossi, ginulat ang mga fans sa kanyang bagong look

May pinagdadaanan? Alessandra de Rossi, ginulat ang mga fans sa kanyang bagong look

May pinagdadaanan? Alessandra de Rossi, ginulat ang mga fans sa kanyang bagong look
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel