Lalakeng nawalan ng mga binti, nilalakbay ngayon ang Pilipinas sa pamamagitan ng kanyang wheelchair

Lalakeng nawalan ng mga binti, nilalakbay ngayon ang Pilipinas sa pamamagitan ng kanyang wheelchair

- Si JV Solomon ang lalaking naglalakbay gamit ang kanyang wheelchair

- Bagaman siya ay walang mga binti, walang makapipigil sa kanyang libutin ang Pilipinas

- Umani ng papuri at nagsilbing iinspirasyon sa marami si JV dahil sa kanyang adhikain

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Tunay na kahanga-hanga talaga si Jonald Vincent o JV Solomon, ang lalaking nililibot ang Pilipinas gamit ang kanyang wheelchair.

Nalaman ng KAMI na nawalan ng mga binti si JV sa isang aksidente dahilan kaya siya ngayon ay naka-wheelchair, habang ang kanyang katawan na naman ay may bakas pa ng dinanas na sunog.

Ngunit hindi ito ang pipigil kay JV upang gawin ang gusto niya gaya na lamang ng paglilibot sa Pilipinas.

Sakay ng kanyang wheelchair, nasa ika-15 araw na raw si JV sa kanyang paglalakbay mula Maynila hanggang Bicol.

Narito ang kanyang video na nakuha ng KAMI sa Youtube/GMA news.

Ang kanyang tila 'customed' wheelchair din ang nagsisilbing lagayan ng kanyang mga gamit at higaan din pag siya ay matutulog.

Di ito ang unang pagkakataon na bumiyahe si JV gamit ang kanyang wheelchair. Kamakailan lamang ay binisita niya ang sikat at nag-iisang mambabatok na si Apo Whang-Od sa Kalinga.

Ayon pa sa isang panayam kay JV, minsan nang may nag-alok na mga riders sa kanya ngunit tinanggihan niya ito dahil daw mawawalan ng saysay ang kanyang ginagawang paglalakbay sa pamamagitan ng wheelchair para mabigyang inspirasyon ang mga kagaya niya.

Samantala, umani ng napakaraming posibong reaksyon ang ginagawa na ito ni JV.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Salute po Kuya, kahit meron kang kapansanan, yakang yaka lang sa iyo."

"God Bless Kuya sa iyong journey!"

"God bless, sana bigyan ka pa ng magandang buhay ni Lord"

"Nakakabilib talaga si Kuya"

Magsilbi pa sana siyang inspirasyon sa maraming tulad niyang may kapansanan na ituloy lamang ang buhay ng may saya sa puso at may ngiti sa labi.

You are Filipino if… What? What are the features that distinguish people of the Philippines from other nationalities? Can we be proud of them? And are these features unique? You Are Filipino If... What Makes Us Unique? | HumanMeter on KAMI Youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Jejomar Binay talks about alleged cheating during 2016 polls

Jejomar Binay talks about alleged cheating during 2016 polls

Jejomar Binay talks about alleged cheating during 2016 polls
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel