Ang kahanga-hangang kwento ng apat na dekadang pag-iibigan ng mag-asawang magkaibang lahi

Ang kahanga-hangang kwento ng apat na dekadang pag-iibigan ng mag-asawang magkaibang lahi

- Pinag-uusapan ngayon sa internet ang natatanging love story ng dalawang tao na nagmula sa magkaibang bansa at lahi.

- Ito ang magandang kwento ng pagmamahalan ng isang Indiyanong lalaki na ang pangalan ay si Pradyumna Kumar Mahanandia at isang babaeng Suweko na si Charlotte Von Schedvin.

- Sila ang nagpapatunay na kahit kailang ang pag-ibig ang siyang maghahari at lulupigin ang lahat at ito ang kwento ng apat na dekadang pagmamahalan nina Charlotte at Pradyumna.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi ito simpleng kwento ng magkaibang lahi na nagmamahalan dahil ang kwento nina Pradyumna Kumar Mahanandia at Charlotte Von Schedvin ay talagang tatagos sa puso mo.

Naispatan namin ang kwento ng mag-asawa sa Facebook page ng 'Fabiosa Philippines.

At natuklasan ng KAMI ang mas pinakamagandang kwento na tunay at wagas na pagmamahalan ng dalawang tao milya-milya ang layo at antas ng buhay sa isa't-isa.

Pero ang tunay at wagas na nagmamahal ay totoong hahamakin ang lahat para makasama ang minamahal.

Iyan nga ginawa ni Pradyumna para makasama si Charlotte.

Si Pradyumna ay nagmula sa bansang India at may tradisyon daw sila na pag-isang bata ay pinanganak ay bumisita umano sila sa isang astrologist.

At isa nga daw astrologist ang nagsabi na babaliwalian daw ni Pradyumna ang tradisyon at mag-aasawa ito ng isang babae na nakatira sa malayong lugar at ang pamilya ay nagmamay-ari ng kagubatan at kakahuyan.

Isang napakahirap na buhay daw ang pinagdaanan ni Pradyumna at ayon nga sa kanya minsan daw ay binabato siya pero nakahanap siya ng aliw sa pagguhit ng iba't-ibang larawan sa mga kalye ng Delhi at doon daw niya nakilala si Charlotte Von Schedvin, isang Swedish tourist.

Napag-alaman niya ng lahat ng sinabing astrologist ay ang tinutukoy ay si Charlotte kaya sinai nya nito na siya daw ang sinadya para maging asawa niya.

Nagmahalan ang dalawa at nag-asawa kaya lang kailangan ng bumalik ni Charlotte sa Sweden pero nanumpa si Pradyumna na susunod siya.

Labing anim na buwan silang magkawalay at nagsulat ng mga sulat sa isa't-isa pero hindi na kaya ni Pradyumna na mawalay pa sa kanyang misis.

Bumili sya ng bisikleta at nagsimula ng maglakbay at dahil kailangan nyang bumiyahe ng limang buwan para lang mapuntahan si Charlotte, nagdrawing siya ng iba't-ibang portraits ng mga tawo at binabayaran naman siya.

Noong una hindi siya pinapasok daw sa Sweden pero nang tinawagan na nila si Charlotte para kumpirmahin ito, at tsaka siya umano pinapasok.

Bumiyahe siya ng apat na buwan para lang makasama si Charlotte.

Bahagi pa daw ni Pradyumna tungkol sa pagkikita muli ng kanyang asawa ang saad nya:

“We couldn’t talk. We just cried in each other’s embrace."

Kinasal daw sila uli noong 1979 at ngayon ay mahigit na sa 40 years na silang nagsama at ayon naman sa kanya na ang sekreto daw ng wagas na pag-iibigan ay:

"It's all about honesty, understanding, and respect."

Aww, ganda naman ng kwento nila!

Panoorin ang interview nila

Bilang buwan ngayon ng 'Araw ng Kalayaan' bilang Pilipino, kung tatanunging ka, ano ang natatanging ugali nating mga Pinoy na masasabi nating Pinoy ngang tunay?

Ang ang iyong isasagot?

Panoorin ang mga nakakaaliw na sagot ng ating mga kababayan

For more nakakaaliw HumanMeter videos on YouTube, click here

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Jy Lin avatar

Jy Lin