GlobalPort Batang Pier, nagpabilib laban sa San Miguel Beermen

GlobalPort Batang Pier, nagpabilib laban sa San Miguel Beermen

- GlobalPort, ipinakita na kaya nilang putulin ang sunud-sunod na pagkapanalo ng San Miguel Beermen

- Ipinakita ng GlobalPort na kaya nila kahit kulang sila

- Stanley Pringle, nagningning sa laro kontra Beermen

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Pinatunayan ng GlobalPort Batang Pier na kaya nilang manalo laban sa San Miguel Beermen kahit wala ang kanilang import na si Malcolm White. Nangibabaw sa MOA hard court ang koponan ng GlobalPort nang pinadapa nila ang Beermen sa iskor na 98-94 sa laro nila kagabi sa PBA, Commissioner Cup game. Si Stanley Pringle ang tinanghal na best player of the game.

Kahit hindi na nakalaro si Malcolm White pagkatapos palabasin sa court dahil sa isang hard foul kay Renaldo Balkman, inilaban pa din ng Batang Pier ang laro para mahabol ang lamang ng Beermen sa kanila. Pinangunahan ni Stanley Pringle at Nico Elorde ang laro na nagdala sa kanilang tagumpay ng gabing iyon..

Ipinamalas ni Stanley Pringle ang kanyang galing ng agawin niya ang bola kay Alex Cabagnot kaya naman umusad pa ang iskor kahit 19 segundo nalang ang natitira. Pagkatapos ng laro, itinanghal na best player of the game si Pringle na may 8 assists, 22 points, at 6 rebounds.

Ayon kay Pido Jarencio na coach ng GlobalPort, isang malaking panalo ang nangyari dahil may pag-asa pa silang makapasok sa final 8.

Ang GlobalPort Batang Pier ay isang koponan ng Philippine Basketball Association o PBA. Unang naglaro ang GlobalPort noong 2012-2013 PBA season. Isa si Stanley Pringle sa manlalaro ng Batang Pier. Siya ang top pick noong 2014 PBA draft.

Handa ka na bang patunayan kung gaano ka ka-Pinoy? Panuorin ang bidyo na kung saan ipapaalala kung paano mo masasabi na ikaw ay isa talagang Pilipino. Kung nais mong manguna sa iba pagdating sa latest updates, breaking news, bago at nakakatuwang kwento at bidyos, dito ka lang sa BeKami Youtube Channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
6 facts! Tungkol sa ika-pito at kauna-unahang babaeng presidente ng Utah Valley University

6 facts! Tungkol sa ika-pito at kauna-unahang babaeng presidente ng Utah Valley University

6 facts! Tungkol sa ika-pito at kauna-unahang babaeng presidente ng Utah Valley University
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel