Wasak na wasak sa damdamin na mga hugot lines sa 'Sid & Aya'
- Kamakailan lang ay ipinalabas na ang pelikula na pinagbibidahan nina Anne Curtis at Dingdong Dantes under 'Viva Films.'
- Humakot daw ito na milyon-milyon sa takilya at isa sa mga tinuturong dahilan ay ang mga wagas at nakakawasak sa damdamin nga linya na binibitawan ng mga karakter nina Sid at Aya.
- Ating silipin ang mga tumatak sa puso at isip na mga hugot lines ng nasabing pelikula.
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Nilista ng 'CinemaBravo' ang 32 na hugot lines o memorable quotes ng pelikulang ‘Sid & Aya (Not a Love Story)' na pinagbibidahan nina Anne Curtis at Dingdong Dantes.
Ngayon ay ating silipin muli ang mga memorable lines ng pelikula, kaya samahan ninyo ang KAMI na balikan ang mga linyang tumatak sa puso at isipin ng bawat Pilipino.
Kinuha namin ang top 20 ng 32 hugot lines ng 'Sid & Aya'
20. Hindi lahat ng nag- I 'I love you' ay yun na
“Hindi naman lahat ng may ‘I love you,’ love story na e.”
Tama naman, kaya wag tayong maniwala agad agad at wag masyadong umasa, pak!
19. Yung gulong-gulo ka na at litong-lito ka na sa sarili mo
“‘Sino ka bang gago ka?’ Tanong ko yun sa sarili ko, gabi-gabing hindi ako makatulog. Sanay na ako. Causes of insomnia: Regret. Self-blame. Overthinking. Anger. Depression. Loneliness. And her. Yes. Her. Si Aya. Gago rin siya.“
Huwag dibdibin lahat para iwas stress at hindi masaktan, yun na!
18. Mga panahon na hindi mo alam kung ano na ang nangyayari sa buhay mo o sa mundo
“Sino ba’ng hindi malungkot? Sino ba’ng hindi galit sa mundo? Lahat naman, di ba? Isang pikit, isang maling galaw, sasabog ka na lang.”
Lahat naman yata ng tao napagdadaanan ang malungkot, ang pagkagalit sa mundo sa lahat ng mga nangyayari pero kapit lang kay Lord at lahat ay magiging okay din naman.
17. Minsan ay kumakatok din ang mga deperensya natin sa ating utak
“Lahat may kanya-kanyang sira sa utak. Depende na lang kung paano mo itago.”
Basta importante makahanap ka ng taong makakaintindi sayo at mamahalin ka kahit ano pa man ang mga kakulangan sa iyo.
16. Merong mga panahon na pagod ka na sa kakaasa pa at makilala ang mga taong hindi ka kailangan at hindi mo naman din sila kailangan
“Hindi ako interesadong makilala ang mga taong hindi ko naman kailangan.”
Pero maganda din naman ang pagkakaibigan at pagkilala sa isa't-isa
15. Yung alam mong mali at hindi pwede
“Lahat naman talaga ng masarap, bawal.”
Mali pa rin yun
14. Nagbabayad ng makakausap
“Sobrang lungkot mo naman para magbayad ka pa ng kausap.”
Pwede naman siguro sa family natin o mga kaibigan. Marami naman ang handang makipag-usap sa atin. Buksan lang natin ang ating puso at isipan.
13. Mahirap nga naman talaga
“Mahirap maging mahirap. Period.”
Hindi na kailangang i-memorize ito. Period.
12. Umamin na kasi
“Bakit hindi mo na lang kasi aminin, hindi ka masaya.”
Madali naman talagang sabihin, mahirap gawin dahil minsan ayaw natin na kaawaan tayo o pagtawanan tayo.
11. Ang kaibahan ng pagsasabi ng totoo at sa pagiging judgmental
“Malayo ang pagsasabi ng totoo sa pagiging judgmental.”
Iba nga naman ang nagsasabi ka sa kung ano ang tama o mali sa panghuhusga sa kapwa.
10. Wag mong subukan pumasok sa buhay ng iba kung hindi ka handang masaktan
“Wag kang papasok-pasok sa buhay ng iba, kundi ikaw ang madadali.”
Pwede ka naman pumasok sa buhay ng iba basta lang alam mo kung ano man ang pinapasok mo at ang importante hindi ka umaapak ng kahit sino
9. Yung nagpapanggap ka na kaya mo pero sa kaloob-looban mo ay ang sakit sakit
“Wala ‘to, kaya ko ‘to. Siyempre pagód lang kaya madaling umiyak.”
Minsan talaga ayaw natin na makomplikado o mahirapan pa ang buhay ng iba at kahit na gano pa kasakit ay kailangan tayong magpanggap na kaya pa natin at okay lang tayo. Sakit!
8. Alam mo naman ang pinasok mo kaya wag ka ng magcomplain
“Wag kang mag-sorry. Alam ko ang ginagawa ko. Ginusto ko 'to.”
Kahit masakit, kahit nasasaktan, eh kasi ginusto natin to kaya go lang, okay lang.
7. Sana makinig siya
“Marami pa akong gustong sabihin sa kanya kung makikinig lang siya.”
Alam mo yung panahon na marami kang gustong sabihin sa isang tao pero hindi mo alam kung makikinig siya? Sana nga makinig sya.
6. Nakakapagod din minsan
“Nakakapagod. Napapagod na ‘kong magmahal ng mga taong kailangan kong mahalin.”
Parte ng pagmamahal natin sa ibang tao ang masaktan dahil minsan may ginagawa sila na kasalungat sa gusto natin pero dapat din natin malaman na iba-iba ang gusto natin. Magrespetuhan na lang.
5. Yung nagmamakaawa ka na sana ay pagkatiwalaan ka din, na mahalin ka din, at bigyan ka ng pagkakataon din
- “Tumaya ka naman sa ‘kin, Aya!”
At sinagot mo na, natatakot ka din na ba ka masaktan mo sya
“Kung tumaya ako sa ‘yo, ikaw naman ang masasaktan.”
4. Yung alam mo hindi mo deserve ang isang tao pero nandyan parin siya sayo
“I did not deserve her but I still had her.”
Dapat pahalagahan din natin ang mga taong ganito dahil minsan lang tayo makakatagpo ng ganitong tao.
3. Ang masakit na katotohanan sa pagmamahal
“Lahat naman ng tao nasasaktan.”
Tama naman pero hindi ito dahilan para manakit ng kapwa o iba
2. Yung ilang ulit ka na nasasaktan sa mga taong minahal mo
“You know, you should stop smoking. The things that we love will eventually kill us.”
Minsan din, importante ang buhay para sa ating sarili. May iba pang mga tawo ang nagmamahal sa atin na masasaktan din para sa atin.
1. Yung at peace ka sa buhay at tanggap mo ang katotohanan
"Hindi ako nalungkot. Para akong nakatakas. Kasi dito, ayos lang malungkot. Pwede pala yun: na wala kang iniisip.”
Sina Anne Curtis at Dingdong Dantes ay dati ng magkatrabaho sa 'GMA-7' dahil bago pa man maging Kapamilya si Anne ay naging Kapuso mo niya ng ilang taon bago lumipat.
Si Anne Curtis ay kasal na kay Erwan Heusaff at si Dindgon Dantes naman ay asawa ni Marian Rivera at may anak na sila na si baby Zia
Iba talaga ang pelikulang Pinoy nahihilig na din sa mga hugot lines, speaking of Filipino, kung tatanungin ka, ano ang natatanging ugali nating mga Pinoy na masasabi nating Pinoy ngang tunay?
Ano ang sagot mo?
Panoorin ang mga nakakaaliw na sagot ng ating mga kababayan
For more nakakaaliw HumanMeter videos on YouTube, click here
Source: KAMI.com.gh