Dating technician, naging Special Education teacher dahil sa anak na may autism

Dating technician, naging Special Education teacher dahil sa anak na may autism

- Binahagi ng isang ama na si Evert kung paano niya pinalaki ang isang batang may autism

- Minsan pa nga raw ay napagkalaman pa siyang kidnaper ng sarili niyang anak dahil sa nagwawala ito kaya ibabalik na lamang sana niya ito sa loob ng kanilang kotse

- Dahil sa pagmamahal sa anak talaganginaral ni Evert ang mga teknik para maalagaan ng maayos ang kanyang anak na si Mae-mae

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Matinding sakripisyo at pag-unawa talaga ang kakailanganain kung mayroon kang anak na may autism.

Bukod sa gugugol ito ng oras, pag-aaralan mo talaga kung paano sila bibigyan ng kalinga at kung paano nila madarama ang iyong aruga.

Gaya na lamang ng naibahagi ni Evert, ama ni Mae-mae, isang batang may autism.

Laking gulat ng mag-asawang sina Evert at Apple na nang nalaman nilang ang 2 taong gulang nilang anak noon ay may autism.

Dahil sa di sila makapaniwala, kaya naghingi muli sila ng ibang opinyon mula sa ibang doktor ngunit pareho ding resulta ang kanyang natanggap.

Mula noon, nagsimula nang magbago ang takbo ng kanilang buhay. Di na sila nag-upgrade mag-asawa ng kanilang cellphone para ilaan ang pera para sa therapy ni Mae-mae.

Kasabay pa ng mga therapy ni Mae-mae sa doktor ay therapy din niya sa kanilang bahay.

“How do I go from being in car repairs to teaching a special child? In my mind are specifics of car spare parts. Now, the challenge is how to teach my daughter to identify the color red,” ani Evert.

Ama ng may autism, napagkamalang kidnaper sa pagdadala ng nagwawalang anak sa loob ng kanilang kotse

source: supplied

Head technician si Evert at dalawang auto-repair shop ang kanyang mina-manage. Sumabay pa ang di tumagal na Yaya ni Mae-mae kaya naman talagang nagsakripisyo ng oras at panahon ang mag-asawang sina Evert at Apple.

Ngunit sulit naman ang lahat ang kanilang sakripisyo dahil sa loob ng tatlong taon kinakitaan ng mabilis na development si Mae-mae sa kanyang kondisyon.

“I learned to be patient and consistent. And the whole experience of implementing the programs not only benefited me, but the whole family,” sabi ni Evert.

Dahil kay Mae-mae, mula sa pagiging technician, isa nang guro si Evert sa Special Education. Adult with special needs program ang kanyang hawak sa isang special school sa Las Piñas.

You are Filipino if… What? What are the features that distinguish people of the Philippines from other nationalities? Can we be proud of them? And are these features unique? You Are Filipino If... What Makes Us Unique? | HumanMeter on KAMI Youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Mister, di pa maiuwi ang bangkay ng misis at di pa maipakita sa kanilang anak

Mister, di pa maiuwi ang bangkay ng misis at di pa maipakita sa kanilang anak

Mister, di pa maiuwi ang bangkay ng misis at di pa maipakita sa kanilang anak
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel