Nagbunyagi ang team Magnolia! Paul Lee at Justin Jackson best co-players

Nagbunyagi ang team Magnolia! Paul Lee at Justin Jackson best co-players

- At sa wakas ay muling natuklasan ni Paul Lee ang kanyang galing sa paghawak ng bola noong Miyerkules ng gabi, June 13.

- Nagpanalo lang naman siya ng 25 hotshots' points sa loob lang ng dalawampu't anim na minuto sa 111-89 na panalo ng Magnolia laban sa 'TNT KaTropa' sa 'PBA Commissioner's Cup.'

- Saad ni Lee ang pagbago ng kanyang mindset ang sa tingin nya ang nakatulong para makamit ang malaking puntos na nakuha niya.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa larong 'Magnolia Hotshots Pambansang Manok' laban sa 'TNT KaTropa' gabi ng Miyerkules para sa 'PBA Commissioner's Cup' ay nagbunyagi ang unang team dahil sa hotshots na binigay ng best co-players nila na sina Paul Lee at Justin Jackson.

Naispatan namin ang winning moments na ito sa official Facebook page ng 'PBA.'

At talaga namang hinahangaan ang dalawang manlalaro dahil sa mga malalaking puntos na binigay nila sa team.

Ayon pa kay Paul Lee sa report galing sa website ng 'Spin,' na baka gabi niya kagabi.

“Maybe it’s my night tonight. I just kept aggressive. I tried to go to the free throw line para easy two points. Everyone played well. We committed sa game plan ni coach Chito (Victolero)"

Dagdag pa ni Lee:

“Siguro maganda lang yung preparation namin. Feeling ko, na-relax na yung bawat isa sa amin."

Nang tinanong ang 'Magnolia Hotshots Pambansang Manok' player tungkol sa paghihirap at pakikibaka ng kanilang team sa nakarang tatlong games, inamin daw ni Lee na nahihirapan sila sa pag-aadjust ng iba't-ibang imports.

Sa ngayon, nalamang ng KAMI na ang kanilang import ay si Justin Jackson, ang pangtalo na importa nila sa loob ng five games pagkatapos ng kanilang 'original choie' na si Vernon Macklin na umalis papunt ng China at ang replacement nito na si Curtis Kelly.

Saad pa ni Paul Lee:

“Mahirap din talaga, ayaw naman natin gawing excuses yung import, pero mahirap naman talaga yun. Galing kami kay Vernon, tapos kay Curtis Kelly tapos ito ngayon si Justin Jackson naman. Kailangan talaga ng enough time para makilala namin yung isa’t isa. Malaking bagay yung chemistry dito."

Pero optimistic naman ang manlalaro na si Justin Jackson na talaga ang tamang importa para sa kanila dahil sa pagpasok nila sa homestretch ng elimination round na kung saan ay na kasalukuyang nasa isang bahagi ng ikalimang lugar sila kasama ng 'GlobalPort' sa 4-4 records.

Pinatunayan din naman ni Jackson na siya talaga ang karapat dapat na import dahil sa kanyang kahanga-hanga na laro sa kabuuan.

Nagtapos siya na may 18 points, 19 rebounds, 7 assists, at 2 blocks pero higit sa lahat, ang ugali daw ni Justin Jackson talaga ang nagpa-approved at nagpabilib kay Lee.

Pagtatapos na pahayag ni Paul Lee tungkol kay Jackson:

“Okay naman siya. Mabait 'yung tao, walang attitude. For me yun ang number one na tinitingnan ko. Yung aggressiveness niya andun both sides so okay naman talaga.”

Iba talaga ang galing ng Pinoy!

Dahil na pag-uusapan din naman natin ang pagka-Pinoy, ano ang natatanging ugali nating mga Pinoy na masasabi nating Pinoy ngang tunay?

Panoorin ang mga nakakaaliw na sagot ng ating mga kababayan

https://www.youtube.com/watch?v=o4se_1_bIto

For more nakakaaliw HumanMeter videos on YouTube, click here

Source: Kami.com.ph

Related news
Mister, di pa maiuwi ang bangkay ng misis at di pa maipakita sa kanilang anak

Mister, di pa maiuwi ang bangkay ng misis at di pa maipakita sa kanilang anak

Mister, di pa maiuwi ang bangkay ng misis at di pa maipakita sa kanilang anak
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel