Dimples Romana, may rebelasyon kung saan madamot ang kanyang asawa

Dimples Romana, may rebelasyon kung saan madamot ang kanyang asawa

- Isiniwalat ni Dimples Romana ang isang bagay na pinagdadamot ng asawa niya sa kanya

- Ito ay matapos mag-post ng aktres ng anniversary greeting para dito

- Sinabi rin niya na may third party daw ang kanilang relasyon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa kanilang 15th wedding anniversary, ibinahagi ng aktres na si Dimples Romana, ang sikreto ng matatag na relasyon nila ng non-showbiz husband niyang si Boyet Ahmee.

Nalaman ng KAMI na nadiwang sila ng kanilang 15th wedding anniversary nitong Huwebes, June 14.

Sinimulan ng Bagani star ang kanyang post patungkol sa mga pagsubok na pinagdaanan nila, na inulat ng PEP.

"Bukas, 15 years na akong minamahal ng mahal ko Wala nang sasarap pa. Paano mo nga ba masasabi kapag nahanap mo na ang “The One” Kung ang tanging patunay lang ng tunay na pagmamahal ay ORAS -taon taon ang kakailanganing bilangin para malaman kung tunay nga ang pagmamahal na nahanap mo. At sa 15 na taon na yun, sa dami ng lubak, bagyo at pagsubok na pinagdaanan namin, maswerte kaming buhay pa kaming dalawa- figuratively and literally.

"Ang pagpili ng papakasalan ay nakamamatay. Maaaring sa pagdaan ng taon na magkasama kayo ay magpatayan kayo, or mapatay nyo ang ilaw at alab ng puso ng isa’t isa ng di nyo namamalayan. Nagpapasalamat ako na hanggang ngayon mahal, buhay na buhay pa ako, hindi ako nagkamali sa pinagkatiwalaan ko ng puso ko. The best ka. Hindi mo sinayang ang oras ko. Salamat. You have made each moment count and you have made the fire in me burn brighter. You have made all our dreams come to life dahil hindi ka madamot."

Ayon kay Dimples, madamot daw si Boyet sa kiss at hug, gayunpaman, bumabawi naman ito sa maraming bagay.

"Sa pagmamahal, (okay sige sa kiss at hug madamot ka pero okay lang nacocompensate yun ng ibang bagay) sa pasensya, sa pagiintindi. Sa mga panahon na naging faint ang pagmamahal natin at pasensya sa isa’t isa, alam ko na kung bakit tayo magkasama pa din. Dahil sa mga oras na yun, pareho nating naisip na ang pangako natin sa isa’t isa ay hindi lang sa pagitan natin dalawa."

Si Lord daw ang third party sa kanilang relasyon.

"There’s always been a third party- The LORD. When we almost lost hope and faith in one another we found comfort in knowing that the GOD who was present when we made our vows to love one another til death do us part is also present during these times and though we as human beings may run out of love and patience- HIS LOVE REMAINS and HIS LOVE will sustain us. For a faithful and forgiving love, THANK You. Happy almost 15th anniversary Myluv @boyetahmee Bukas na ang totoong greeting ko ha."

Sa mismong araw ng kanilang anniversary, ay muling nag-post si Dimples ng 'actual greeting' daw niya. Pinasalamatan naman niya ang lahat ng taong nagmamahal sa kanilang mag-asawa.

"I wake up everyday with a hopeful spirit and peace in my heart because of this man. I never have to worry about anything because of him. He makes me feel safe. He is my home. I know that he will protect me, fight for me, love me and my million flaws. No blessing is greater than having a good, kind, giving and honorable man for a husband.

"One who keeps his word. One who will silently kiss you while you sleep, one who gets you. Our love story has had its share of ups and downs but this man made me feel that I was worth going through the storm with. With him, I know my worth. I never have to guess , never have to think. I feel and know his love for me is greater than his love for himself. He gives me wings to fly and follow my dreams. His greatest gift to me is freedom, to dream and express myself, to grow. We have a love that only we comprehend.

"A love that endures, a love that protects, a love that inspires. As a couple we have made it our goal to cultivate love within the people who are part of our journey. I always feel like if Boyet and I will be gone, our children will never have to feel unloved because of all the love we have around us from all the people we have touched through our marriage to one another.

"I woke up today feeling all that love from our family, our friends and the people we have embraced as a couple over those 15 years. If you’re one of them I hope you know Boyet and will always love you. Our marriage goal for the coming years- CULTIVATE LOVE. Cultivate kindness."

Si Dianne Marie Romana Ahmee, o mas kilala bilang si Dimples Romana, ay isang aktres at commercial model. Siya ay kasal sa kanyang non-showbiz husband na si Boyet Ahmee. Meron silang dalawang anak na sina, Amanda at Alonzo.

In the run-up to the Philippines Independence Day, we decided to go out into the streets and ask passers-by a simple but, at the same time, a tricky question: "How many colors does the Philippine flag have"? And do you know how many colors are on our flag? Happy Philippines Independence Day!

Philippine Flag Challenge 2018: How Many Colors Are On It? - on Human Meter YouTube Channel

Source: Kami.com.ph

Related news
6 facts! Tungkol sa ika-pito at kauna-unahang babaeng presidente ng Utah Valley University

6 facts! Tungkol sa ika-pito at kauna-unahang babaeng presidente ng Utah Valley University

6 facts! Tungkol sa ika-pito at kauna-unahang babaeng presidente ng Utah Valley University
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel