Gretchen Barretto, nagdesisyon na kung itutuloy pa ang pagtulong sa social media

Gretchen Barretto, nagdesisyon na kung itutuloy pa ang pagtulong sa social media

- Naglabas na ng anunsyo sina Gretchen Barretto at mga kaibigan nito kung itutuloy pa nila ang wish-granting sa Instagram

- Ito ay matapos nilang mabatikos sa kanilang kontrobersyal na video

- Meron din siyang hamon sa mga bashers

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Matapos ang lahat ng gulo na nangyari na may kinalaman sa pagtulong nina Gretchen Barretto at mga kaibigan nito sa social media, ay nakapagdesisyon na sila kung itutuloy pa ang wish-granting o hindi na.

Nalaman ng KAMI na naglabas sila ng anunsyo patungkol dito sa pamamagitan ng Instagram Live.

Ayon sa ulat ng PEP, nagdesisyon si Gretchen na itigil na ang wish-granting sa Instagram dahil nadadamay ang mga kaibigan niya na hindi naman taga-showbiz.

"We are going to bid goodbye not because we are… not because we are gonna back down, but because marami po ang mga tao na nadadamay rito.

"Kung ako lang po siguro… by now, alam niyo po na I am made of steel. I may cry once in a while, but a lot of times, I can be very, very strong also. Pinagtibay na talaga ako ng panahon."

Giit pa ni La Greta, hindi sanay ang mga kaibigan niya na ma-bash dahil non-showbiz sila. Kaya gusto na niya itong matapos para matahimik na rin ang mga kaibigan niya.

"I’d like to be fair kasi, kung ako lang po, pinagtibay na ako ng panahon. Sanay na po ako sa bashing. Galing po ako sa show business. I worked at age 12. A lot of bashing has been made already.

"Binash tayong tatlo… they did not understand. Iba ang humor namin, pero tunay kaming kakaiba. Akala nila minock namin.

Nilinaw naman ni Gretchen na itutuloy pa rin nila ang pagtulong pero hindi na sa social media.

"Never po ako nagkukuripot sa pagtulong ng ibang tao. I am blessed tremendously, and I give back and I try to be fair as much as possible. Hindi ho kami hihinto sa pagtulong sa mga tao. Hindi nga lang sa IG followers."

Ayon kay Gretchen, naiintindihan niya ang punto ng iba na hindi na nila kailangan pa ipaalam sa social media ang kanilang pagtulong.

"Tama kayo naman diyan. And we understand.And actually, that was also my take.Akala nila pasosyal tayo nang pasosyal, ‘Why announce to everybody?’"

Sabi pa niya, "So let’s do it the other way around. We will be quiet as possible.

"We are grateful that our IG followers also gave us the chance to be able to be a blessing to them, to be of help."

Meron din siyang hamon sa lahat ng bashers nila.

"Sa inyong nagmamagaling na mga bashers, take on whatever we have started. I challenge you… everyone… each and everyone of you who are bashing me. I hope you can take on the challenge each time you bash me. Why don’t you try and do what we are doing: grant chemotherapy, grant dialysis?"

Si Gretchen Barretto ang longtime partner ng business tycoon na si Tonyboy Cojuangco. Anak nila si Dominique Cojuangco, at siya ay may degree sa isang fashion school sa London.

Hindi pa annulled ang first marriage ni Tonyboy, kaya hindi sila makapagpakasal ni Gretchen. Pero ayon kay Gretchen, "Tonyboy's love is more than enough."

In the run-up to the Philippines Independence Day, we decided to go out into the streets and ask passers-by a simple but, at the same time, a tricky question: "How many colors does the Philippine flag have"? And do you know how many colors are on our flag? Happy Philippines Independence Day!

Philippine Flag Challenge 2018: How Many Colors Are On It? - on Human Meter YouTube Channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Piolo Pascual breaks his silence about ex-GF KC Concepcion’s new relationship

Piolo Pascual breaks his silence about ex-GF KC Concepcion’s new relationship

Piolo Pascual breaks his silence about ex-GF KC Concepcion’s new relationship
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel