Nagsenti mood si Minggay Maine Mendoza dahil may namimiss sa araw ng tag-ulan

Nagsenti mood si Minggay Maine Mendoza dahil may namimiss sa araw ng tag-ulan

- Hindi naman ito lingid sa atin na ang tag-ulan ay kadalasan nagdadala sa atin ng malalim na emosyon na nagdadala sa atin sa senti mood.

- Ngayon na tag-ulan ay may mga artista na tila nadala sa lamig at mood ng malamig at nakakasenti talagang panahon.

- Parang ito yata ang nangyari kay Minggay Maine Mendoza na tila naging sentimental sa buhay estudyante at gusto yatang bumalik sa pag-aaral.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Maganda at masaya ang buhay estudyante dahil wala kang ibang iisipin kung hindi ang iyong pag-aaral at wala ng iba at minsan dahil sa kagustuhan nating matapos agad-agad ay hindi natin namamalayan na hindi pala tayo nag-enjoy ng tod sa pagiging estudyante.

Itong klase na mga emosyon ay pumapasok kapag tayo ay humaharap sa matinding pagsubok sa totoong realidad ng buhay.

Sa pag-aaral, ang iniisip mo lang ay matuto at maipasa ang mga grado pero kadalasan sa mga estudyante na maswerte sa buhay ay wala ng ibang iisipin pa gaya ng ano ang kakainin, ano ang ipambabayad ng kuryente at kung ano-ano pa.

Pero minsan din naman, ang ibang tao ay namimiss ang pag-aaral dahil gusto pang matuto ng bagong kurso o may ibang venture na gustong puntahan.

Minsan din namimiss lang talaga nila ang buhay at kasiyahan bilang estudyante.

Tila si Minggay ay nadala sa emosyon ng tahimik, makulimlim, at malamig na panahon ng tag-ulan at naispatan namin na nagtweet pa la ang 'Phenomenal Star' tungkol sa mood niya sa panahon ng tag-ulan sa 'Fashion Pulis.'

At talagang nakita ng KAMI nagtrending ang tweet niyang ito, sinundan pa ito ni Minggay ng mga magaganda at masayang memories nya sa pag-aaral na naaliw naman ang kanyang mga milyon-milyong tagahanga at nakikipag-usap na sa dabarkads through tweets.

Ito pa ang ilang mga tweets ni Maine Mendoza sa araw ng tag-ulan tungkol sa pag-aaral

"Nakakamiss bumyahe ng malayo papuntang school tapos kapag dating mo doon syaka lang isususpend klase. Badtrip pero nakakamiss."
"Nakakamiss yung araw-araw mo kasama barkada mo."

At may pahabol pa si Maine Mendoza para sa mga kabataan ngayon na estudyante:

Si Maine Mendoza ay isa sa mga pinaka-popular na mga aktres sa showbiz.

Isa siya sa mga primerang talent ng GMA.

Ipinanganak siyang si Nicomaine Dei Capili Mendoza.

Naging sikat na vlogger si Maine dahil sa mga mabenta niyang Dubsmash videos.

Nag-level up nang husto ang kasikatan niya dahil sa role niya bilang si Yaya Dub sa Eat Bulaga at nang maging parte siya ng Aldub love team kasama si Alden Richards.

POPULAR: Read more news about Maine Mendonza here

At dahil senti-sentihan tayo at alaala ng nakaraan bilang mga Pinoy na mag-aaral, ano ang natatanging ugali nating mga Pinoy na masasabi nating Pinoy ngang tunay?

Panoorin ang mga nakakaaliw na sagot ng ating mga kababayan

For more nakakaaliw HumanMeter videos on YouTube, click here

Source: Kami.com.ph

Related news
Baby bump? Marian Rivera and Dingdong's mom spotted holding her bulging tummy

Baby bump? Marian Rivera and Dingdong's mom spotted holding her bulging tummy

Baby bump? Marian Rivera and Dingdong's mom spotted holding her bulging tummy
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel