Dugong Pinoy! Ayaw muna ni Manny Pacquiao ng imports sa MPBL

Dugong Pinoy! Ayaw muna ni Manny Pacquiao ng imports sa MPBL

- Ang pagmamahal sa bayan at kapwa kababayan ay talagang nanalaytay sa dugo ni Manny Pacquiao.

- Madiin niyang sinabi na wala munang imports ang kanyang liga na 'Maharlika Pilipinas Basketball League o MPBL.'

- Gusto ni Manny na bigyang pagkakataon na mangingibaw ang galing na kanyang mga kababayan sa sports.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ang sabi daw ni Manny Pacquiao sa balitang nakuha namin sa 'ABS-CBN Sports' ay ayaw nya ng imports sa ngayon dahil gusto nyang mabigyang pansin at importansya ang mga manlalarong Pinoy.

Isinisagawa na ngayon ang '2018 Maharlika Pilipinas Basketball League.'

Ayon pa sa balita na napag-alaman ng KAMI, nakaranas ng konting kaguluhan umano ang liga dahil sa isang tuntunin na nagsasabi na ang bawat isang koponan sa 26 na mga koponan ay maaaring magkaroon lamang ng isang Filipino-foreigner.

Pero sa kabila ng lahat ng kontrobersya at kritika, ang panibagong liga ay nanatiling matatag sa kanyang pagkilos.

Saad pa ng commissioner ng liga na si Kenneth Duremdes:

“We’re just a growing league. The vision of the league is to give a chance to homegrown players."

Ang MPBL ay isang lumalagong liga pa daw sambit ng former PBA player at dagdag pa niya na ang vision ng kanilang liga ay makapagbigay ng pagkakataon sa mga manlalarong Filipino.

Sinabi umano ito ng commissioner noong May sa kalagitnaan ng issue tungkol dito.

Pagpapatuloy pa ni Kenneth Duremdes:

"Di naman kasi ganun kalaki ang players sa probinsya kaya ganun. Step-by-step tayo kasi nga we’re striving to be a place for homegrown players.”

Paliwanag pa ni Senator Manny Pacquiao sa mga reporters noong opening ng liga sa Araneta Coliseum noong Martes na ngayon naman daw ay gumugulong na ang liga na hindi kailangan pang magpalit ng aksyon.

“Balanse yung liga natin kasi istrikto naman tayo (sa) players. Bawal yung Fil-foreigner above 6-4 tapos isa lang bawat team."

Dugtong pa ng MPBL founder:

“Wala ring imports.”

At sa ngayon hanggang sa nakikinita na hinaharap, ang MPBL daw ay mananatiling puno ng mga Pilipino.

Tinanong daw si Pacquiao kung magbubukas ba sila ng pinto para 'foreign reinforcements' gaya sa PBA, ang tugon naman ng founder:

“Wala muna. Nasasapawan kasi ang mga Pilipino.”

Ito ay talagang good news naman sa maraming mga Pinoy na manlalaro sa bansang mahilig sa basketball.

Proud ang boxing legend sa vision ng MPBL tungkol dito at pagtatapos niyang sabi:

“Maraming nakapaglaro (dahil sa MPBL). Actually, nagkaubusan na nga ng players dahil sa MPBL.”

Proud Pinoy talaga si Pacman

Si Manny Pacquiao ay isang boxer na naging isang politiko. Ang tunay niyang pangalan ay Emmanuel Dapidran Pacquiao at siya'y anak ng popular na si Mommy Dionisia Pacquiao. Mahirap ang naging buhay ni Pacquiao noong siya'y bata pa lang. Binuhusan niya ng atensyon ang boxing kung kaya't naging magaling siya dito at ngayo'y isa sa mga pinakarespetadong boksingero sa mundo. Kasal siya kay Jinkee Pacquiao at may limang anak sila sa kasalukuyan. Isa rin si Pacquiao sa mga senador ng Pilipinas sa ngayon.

POPULAR: Read more news about Manny Pacquiao here

At dahil dugong Pinoy din ang ating pinag-uusapan ngayon, ano ang natatanging ugali nating mga Pinoy na masasabi nating Pinoy ngang tunay?

Panoorin ang mga nakakaaliw na sagot ng ating mga kababayan

For more nakakaaliw HumanMeter videos on YouTube, click here

Source: Kami.com.ph

Related news
PNP, pinag-iingat ang publiko sa bagong telecom modus na “robocalls”

PNP, pinag-iingat ang publiko sa bagong telecom modus na “robocalls”

PNP, pinag-iingat ang publiko sa bagong telecom modus na “robocalls”
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel