Rina Navarro, may hamon sa ex-fiancé na di umano'y karelasyon ni Ara Mina

Rina Navarro, may hamon sa ex-fiancé na di umano'y karelasyon ni Ara Mina

- May mga kumakalat na balitang hindi na matutuloy ang kasal ng ni Rina Navarro at ang kanyang karelasyon

- Ito ay matapos lumabas ang isyu tungkol sa kanilang secret relationship

- Nabuking di umano ng mismong fiancée nang mabasa daw niya ang mensahe ng politiko para kay Ara Mina

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang quote ang binahagi ni Rina Navarro, ang napabalitang fiancée ng isang pulitiko na di umano'y karelasyon ng aktres na si Ara Mina.

Pinangalanan na rin niya ang dating nobyo at hinamon na magsabi ng totoo. Nakasulat sa kanyang post ang " Integrity is telling myself the trutt. And Honesty is telling the truth to other people."

Pinangalanan na! Rina Navarro, may hamon sa ex-fiancé na di umano'y karelasyon ni Ara Mina

Image courtesy of Facebook: Rina Navarro via Fashion PULIS

Pinangalanan na! Rina Navarro, may hamon sa ex-fiancé na di umano'y karelasyon ni Ara Mina

via PEP

Ayon sa isang ulat ng bandera mayroong kumakalat na balita na hindi na daw matutuloy ang kasal ng engaged couple dahil di umano sa aktres na si Ara Mina.

Naging maugong ang usap-usapan tungkol sa isang aktres na umano'y may ugnayan sa isang engaged na na politiko. Nabanggit din ito ng kolumnistang si Lolit Solis. Sa isang ulat ng PEP, isang source na di umano ay nakakaalam ng totoong nangyari ang nagbigay ng impormasyon. Ayon sa source, sa pagdiriwang ng ika 39 na kaarawan ng aktres na si

Ara Mina sa isang cafe sa QC, imbitado daw umano ang boyfriend ng politiko. Nang paalis na ito, inimbitahan ito ni Ara na kumanta muna sila. Kinailangan ipahiram diumano ni ARa ang kanyang telepono dahil hindi daw alam ng babae ang lyris ng kanta. Nagulat ang babae nang biglang pumasok ang message ng kanyang fiance sa telepono ni Ara.

Shocked na shocked daw ang babae sa nabasang mensahe nito para kay Ara. Habang hawak pa ang mikropono ay naitanong niya sa aktres kung may relasyon sila ng bf niya. “Let me explain.” Yun na lang daw ang naisagot ni Ara ngunit hindi na siya pinagpaliwanag ng babae at tumakbo sa loob ng comfort room upang tuluyang mabasa ang palitan ng mensahe ng kanyang boyfriend at ng aktres.

Nag collapse pa di umano ang fiancée ng government official habang binabasa ang mga mensahe nila sa loob ng comfort room ngunit natulungan siya ng anak na noong mga oras na iyon ay kasama di umano niya. May mga litrato pang ipinadala ang source upang patunayang magkakakilala sina Ara at ang gilrfriend ng politiko.

Samantala itinanggi di umano ni Ara ang mga paratang sa kanya na kanyang sinagot din sa pamamagitan ng PEP. Nakiusap din ito na tigilan na ang pagli-link sa kanila ng opisyal at huwag nang mandamay ng ibang tao.

Ayon naman daw sa source ng Bandera na kaibigan ng babaeng karelasyon ng government official na hindi na matutuloy ang kasal. Galit na galit daw talaga ang girl sa nangyari. “Good thing nabuking or else magpapakasal ang friend ko sa lalaking may ibang babae. Ang sakit naman no’n,” saad ng source.

How Much Money Do You Need to Be Happy? | on HumanMeter

Money: a whim or necessity? How much money do you need every month to be happy? Does the environment affect the amount you need? Find out more about the respondents' answers in this video.

Source: Kami.com.ph

Related news
6 facts! Tungkol sa ika-pito at kauna-unahang babaeng presidente ng Utah Valley University

6 facts! Tungkol sa ika-pito at kauna-unahang babaeng presidente ng Utah Valley University

6 facts! Tungkol sa ika-pito at kauna-unahang babaeng presidente ng Utah Valley University
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel