‘Ate Girl’ Jackque Gonzaga, ibinahagi ang pinagdaanan bago mabigyan ng break

‘Ate Girl’ Jackque Gonzaga, ibinahagi ang pinagdaanan bago mabigyan ng break

- Ibinahagi ni Ate Girl Jackque Gonzaga ang kanyang karanasan bago siya mabigyan ng break

- Ayon sa kwento niya, hindi naging madali ang kanyang simula lalo at tutol ang kanyang mga magulang

- Maituturing daw umano niyang biggest brea niya ang maging taga-hawak ng bowl ng mga tanong sa segment na Miss Q & A

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kilala siya bilang Ate Girl na kabiruan ni Vice Ganda sa segment na Miss Q & A sa It’s Showtime.

Ayon sa programang Rated K kung saan siya na feature, graduate siya ng International Studies pero mas pinili niya maging dancer. Ito ang naging pangarap niya simula nang bata pa siya kaya nakahiligan niyang sumali sa mga contests at dance troupe.

Hindi ito naging madali dahil tutol ang kanyang mga magulang sa kanyang pagsasayaw noong una.

Ayon sa ina niya, sayang ang kanyang tinapos kung magsasayaw lang naman siya.

“Nung naka-graduate na siya tapos nagpaalam na siya na gusto niyang magsayaw sabi ko nag-aral ka pa tapos magsasayaw ka lang pala... yung Daddy niya sabi bakit pinayagan ko daw.” sabi ng kanyang ina.

Sadyang hilig niya ang pagsasayaw kaya natutunan na ring suportahan ng magulang ang kanyang hilig. “Nung nakita namin na masaya siya, wala na kaming magawa kundi suportahan na kung san siya masaya.”

Taong 2015 nang mag-audition siya at natanggap bilang dancer sa It’s Showtime.

Ayon pa sa kanya biggest break diumano niya ang maging taga-hawak ng bowl ng mga tanong sa segment na Miss Q & A. Dahil kasi sa segment na iyon ay nadiskubre ang tambalan nila ni Vice Ganda na talaga namang kinakikiligan ng marami.

“hindi lahat nabibigyan ng chance na ganito e. Tapos ako, simpleng mamamayan ng Pilipinas lang, nagsasayaw lang ako. Tapos biglang mabibigyan ka ng break na ganun, parang panaginip.”

Ang totoong pangalan ni Ate Girl ay si Jackque Gyl Gonzaga, 23 years old, at taga- Antipolo City, Rizal.

How Much Money Do You Need to Be Happy? | on HumanMeter

Money: a whim or necessity? How much money do you need every month to be happy? Does the environment affect the amount you need? Find out more about the respondents' answers in this video.

Source: Kami.com.ph

Related news
For the first time, Catriona Gray flaunts her national costume for Miss Universe 2018

For the first time, Catriona Gray flaunts her national costume for Miss Universe 2018

For the first time, Catriona Gray flaunts her national costume for Miss Universe 2018
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel