Hindi biro ang pinagmulan! Inamin ni Pokwang na dati siyang nagtitinda ng sampaguita sa labas ng simbahan

Hindi biro ang pinagmulan! Inamin ni Pokwang na dati siyang nagtitinda ng sampaguita sa labas ng simbahan

- Ibinahagi ni Pokwang kung paano siya nagsikap sa murang edad para sa kanyang pamilya

- Kuwinento niya kung ano ang mga itininda niya noon sa simbahan

- Bukod pa dito ay may mga iba pa siyang raket

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Binalikan ni Pokwang ang mga karanasan niya sa murang edad noong mga panahong kinakapos pa sila.

Nalaman ng KAMI na pinasok pala niya ang pagtitinda ng sampaguita, sweepstakes, at supot sa palengke sa labas ng simbahan ng Antipolo.

Malayo na talaga ang narating niya ngayon at marami na rin siyang naipundar para sa kanyang pamilya na bunga ng sipag at tiyaga.

Itinampok ang buhay ni Mamang sa episode ng 'Magandang Buhay' at kuwinento niya na nagsimula siya magtinda ng sampaguita noong siya ay nasa Grade 4 hanggang Grade 6.

Sumasali rin daw siya sa mga dance contest noon. Nagpatawa pa si Mamang, na ayaw niya ng may ka-grupo pag sumasali sa contest para solo niya ang premyo kung sakaling manalo siya.

Watch the video below:

Si Marietta Subong o mas kilala bilang si Pokwang ay isang komedyante, TV host, singer at product endorser. Kadalasang tungkol sa sarili niya ang kanyang mga biro kapag siya ay nagpapatawa. Ibinahagi ng komedyante ang kanyang pakikipagrelasyon sa aktor na Amerikanong si Lee O'Brian noong buwan ng Enero noong 2015.

Nabuntis siya ngunit sa kasamaang palad ay nakunan noong Agosto ng parehong taon. Muli siyang nagbuntis at ibinahagi niya ito sa kanyang Twitter account noong June 16, 2017. Ipinanganak niya si Francine Malia O'Brian sa Antipolo City noong January 18, 2018.

In the run-up to the Philippines Independence Day, we decided to go out into the streets and ask passers-by a simple but, at the same time, a tricky question: "How many colors does the Philippine flag have"? And do you know how many colors are on our flag? Happy Philippines Independence Day!

Philippine Flag Challenge 2018: How Many Colors Are On It? - on Human Meter YouTube Channel

Source: Kami.com.ph

Related news
May pinagdadaanan? Alessandra de Rossi, ginulat ang mga fans sa kanyang bagong look

May pinagdadaanan? Alessandra de Rossi, ginulat ang mga fans sa kanyang bagong look

May pinagdadaanan? Alessandra de Rossi, ginulat ang mga fans sa kanyang bagong look
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel