Nakakakilabot! Netizen, binahagi ang larawan ng napulot niyang 'voodoo doll' daw ng mangkukulam
- Isang netizen ang nagbabahagi ng larawan ng nakakapangilabot ng larawan ng isang 'voodoo' doll na napulot niya sa tabing dagat
- Naghahanap lamang daw siya sa tabing dagat ng malalagyan ng shell na kanilang pinupulot ng magpinsan nang makita ang garapon
- Maraming netizens ang nagbahagi ng kani-kanilang kwento tungkol sa 'kulam' at karamihan sa kanila ay naniniwala rito
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Agaw eksena ngayon ang kwento ng isang netizen na nagbahagi ng larawan ng napulot niyang voodoo doll sa tabing dagat.
Nalaman ng KAMI na nagpipicture picture lang daw ang nagpost na si Rubie Ann Principe at kanyang pinsan sa tabing dagat. Pagkatapos ay nanguha sila ng mga shells o tinatawag nilang 'umang' gaya rin ng mga nakagawian ng mga nagpupunta sa dagat.
Naghahanap lamang daw ng bote na mapaglalagyan si Rubie nang makita niya ang isang garapon sa tabi ng bote ng C2. Syempre, para raw kita sa lalagyan ang nakuha nilang shells, pinulot ni Rubie ang garapon kaysa sa C2.
Ayon sa Pilipino Scoop, laking gulat na lang daw ni Rubie nang makita niya ang nasa loob ng garapon na naitapon pa niya dahil si niya pansin agad na ito ay isang 'voodoo doll' o manika ng mangkukulam.
Kung susuriing mabuti, tila may nakatusok sa parteng puso ng manika na may tali din.
Kwento pa ni Rubie, bukas na raw ang garapon ng makita nila kaya posibleng may una nang nakakita nito sa kanila.
Samantala, bumaha naman ng komento ng mga netizens na karamihan ay naniniwala sa 'kulam'.
Narito ang ilan sa kanilang mga komento:
"Sana tinanggal mo yong karayom, im sure kung buhay yong ginawan nyan nag hihirap sya:( witchcraft still exist pa tlaga. But Karma will hunt the doer."
"katakot. dapat po tinanggal nyo yung nakabaon, baka sakaling buhay pa yung kinulam..."
"Totoo po ang kulam kz ilan sa mga kapatid ko nakulam.. Ng dahil lang sa inggit at galit.. Pasalamat nlng tlga at naaagapan pa.."
"share ko lang guys, may kaibigan ako at ang nanay nya ay namatay dahil sa barang! dahil kinontra ng nanay nya yng ng kukulam sakanya kaya namatay yng nanay ng kaibigan ko kasi mas malakas ang kulam kesa sa brang. kakatakot nung kwinento ng tatay ng kaibigan ko samin!"
Totoo man o hindi, wala pa ring tatalo sa tindi ng iyong pananampalataya. Importante na rin siguro na wala tayong inaapakang ibang tao nang di mabuo ang galit at poot sa ating mga puso.
Do you know how many colors are on our flag? Philippine Flag Challenge 2018: How Many Colors Are On It? | HumanMeter on KAMI Youtube channel.
Source: KAMI.com.gh